• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa release ng newest Christmas album: LEA, na-feature sa latest issue ng People magazine

KAYA pala hindi napapanood sa GMA morning show na ‘Unang Hirit’ si Matteo Guidicelli dahil kasalukuyang nasa Harvard Business School in Boston, Massachusetts.

 

 

Sa Instagram pinost ni Matteo: “Here at Harvard Business School, diving deep into learning with some of the best professors—truly inspiring stuff! “Spent hours behind the desk with my books and pen, connecting with classmates from all over the world and across so many industries. Built amazing relationships and took away experiences I’ll always remember. Definitely one for the books! #changingthegame @harvardhbs”

 

 

In-upload ni Matteo ang pag-present niya ng G Productions Incorporated, ang studio na pag-aari nila ng misis niyang si Sarah Geronimo.

 

 

Noong 2023 ay naka-graduate si Matteo sa University of San Jose-Recoletos in Cebu City with a course in Marketing Management.

 

 

Huling napanood si Matteo sa Kapuso actionserye na ‘Black Rider.’

 

 

***

 

 

SA tumitindi na mga eksena sa ‘Pulang Araw’, nakasanayan na raw ito ni Barbie Forteza.

 

 

“Noong una, aaminin ko, katulad ni Alden (Richards), medyo may adjustment na nagaganap kasi mabigat nga ‘yung materyal namin eh. Pero ngayon, medyo nasasanay-sanay na kami,” pahayag ng aktres.

 

 

Natutunan na raw niya kasing bumitaw sa kanyang karakter sa pagitan ng mga eksena nito.

 

 

“I try my best to get out of the character the moment the director says ‘cut.’ Pero while I’m in the scene, while we’re doing the scene, grabe ‘yung epekto sa ‘kin ng bawat eksena,” lahad ni Barbie.

 

 

Masaya din daw siya sa suporta ni David Licauco na madalas niyang maka-eksena.

 

 

“Iba rin ‘yung binibigay niya sa akin. Talagang full of love and very delicate talaga ‘yung pag-approach namin sa eksena,” bahagi niya.

 

 

Marami pa daw dapat abangan sa pag-usad ng kuwento ng ‘Pulang Araw.’

 

 

***

 

 

NA-FEATURE sa latest issue ng People magazine ang Filipino Broadway star na si Lea Salonga para sa release ng kanyang bagong Christmas album titled ‘Sounding Joy’.

 

 

Noong 2001 pa ang huling Christmas album ni Lea na The Christmas Album. After 23 years, panahon na raw na gumawa siya ng bagong Christmas album.

 

 

Ayon sa Tony Award-winning actress, 2020 pa dapat na-release ang album. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, hindi natapos ang album dahil sa sarado ang lahat ng recording studios.

 

 

“We had gotten more than half of the songs recorded, at least the principal vocals. Andthen, you know, the Philippines, like the rest of the world, went under lockdown after COVID-19. So I wasn’t able to go back into the studio to complete the main vocals until 2024.”

 

 

Natapos daw ni Lea ang recording by March or April ng taong ito.

 

 

“We really did our due diligence as far as making sure everything sounded right and that everything was right for this album. I think all of us are finally relieved and happy that it’s coming out,” sey ni Lea.

 

 

Kabilang sa album ang sariling version ni Lea ng “Last Christmas”, “All I Want For Christmas Is You”, “I’ll Be Home For Christmas”, “River” at isang duet with American Idol Season 2 runner-up Clay Aiken sa song na “Angels We Have Heard (Glory Be).”

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Other News
  • Publiko hindi dapat makampante sa Alert Level 1 status ng MM – PMA

    PINAYUHAN ng pamunuan ng  Philippine Medical Association (PMA)  ang publiko na hindi dapat makampante ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila     Ayon kay PMA President Dr. Benito Atienza, dapat pa ring sumunod  sa minimum public health protocol ang publiko ngayong 100 percent na ang operasyon ng mas maraming establisimyento, kung saan […]

  • Ads July 6, 2021

  • SARAH, binigyang pugay ang mga magulang sa virtual concert; MATTEO, ibinahagi ang kanilang wedding photo shoot

    NAGING touching sa amin, kahit na wala sa mismong virtual concert ni Sarah Geronino na Tala The Film Concert ang mga magulang niya at kapatid.     May isang segment na binigyang honor ni Sarah ang mga magulang. Kahit open sa publiko ang nangyaring pagtutol ng parents ni Sarah sa pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli, […]