• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para tulungan ang nano trade of vendors, vulcanizers: PBBM, nagpasaklolo sa ASEAN

NAGPASAKLOLO na si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga  lider ng komersiyo sa rehiyon na suportahan ang mga nano business gaya ng “dispatch riders, repairers, market men and women” at iba pa sa kahalintulad na kalakalan.

 

 

Sa naging interbensyon ng Pangulo sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan ng  Association of Southeast Asian Nations-Business Advisory Council (ASEAN-BAC),  sinabi ni Pangulong Marcos na ang nano businesses, isang informal at nananatiling hindi pa nakikilalang business category, ay nakaaapekto na sa buhay ng mga tao  sa rehiyon subalit binabalewala lamang.

 

 

“These nano businesses are also described as ‘solopreneurs’ and they are home-based businesses, among whom are make-up artists, vulcanizers, independent dispatch riders, vendors, repairers, and market women and men in the various open markets,” ayon kay  Pangulong Marcos.

 

 

“They play a very important but often unrecognized role all across our countries. But by classification, they often do not meet the MSME (micro, small and medium enterprise) micro-business criteria, which is the category for the smallest businesses. They are largely unaccounted for, but these informal business settings constitute a large portion of all our economies,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Dahil dito, umapela ang ibang  member states  na huwag kalimutan ang Nano businesses, dahil kaya nitong tumayo at mabuhay gaya ng “micro, small, or midsize businesses.”

 

 

Sinabi ng Pangulo na sa pagtulong sa informal business enterprise, makapag-aambag ang mga ito sa overall economic growth at pakitidin ang development gap ng rehiyon.

 

 

Sa kabilang dako, suportado naman ni  ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) Chair Mohammad Arsjad Rasjid Prabu Mangkuningrat ang panawagan ni Pangulong Marcos na kilalanin at suportahan ang nano businesses. Siya ang Chairman ng  Indonesian Chamber of Commerce and Industry (KADIN).

 

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na iprayoridad ng regional body na tiyakin ang food self-sufficiency at seguridad sa rehiyon upang matamo ang overall human security.

 

 

Winika ng Pangulo na maaaring siguraduhin ng ASEAN member states ang food security sa pamamagitan ng pag-adopt sa bagong teknolohiya at maging sa pamamagitan ng  paggamit ng  smart agriculture at food systems.

 

 

“As such, the Philippines supports ABAC’s proposal on strengthening food security, promoting sustainable production, enhancing information systems, and identifying nutrition-enhancing agriculture mechanisms for sustainable ASEAN food systems,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“I would like to reiterate the commitment of the Philippine Government to work with the private sector to advance ASEAN’s goals and objectives,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, isinatinig naman ni Pangulong Marcos ang panawagan ngASEAN-BAC para sa ASEAN  na pangunahan ang papel sa paghubog sa regional at global economy sa pamamagitan ng pagpapanatili sa “united, together, and stronger” para madetermina ang economic agenda  nito ngayon at sa hinaharap. (Daris Jose)

Other News
  • El Niño, maaaring mas tumaas sa April 2024, 63 lalawigan puwedeng maapektuhan – DOST

    MAAARING dumating sa rurok o pinakamataas ang El Niño phenomenon sa  April ng susunod na taon habang  63 lalawigan ang posibleng makaranas ng matinding tag-tuyot.     “The drought will come one month earlier than the previous forecast of May, with two less provinces to be affected,” sinabi ng Department of Science and Technology (DOST). […]

  • Curry, nagbuhos ng 41-pts upang itumba ng Warriors ang Pelicans

    Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108.     Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi.     Inaasahang dalawa pang games ay […]

  • PDu30, payag na sa ospital na lamang magsuot ng face shield

    KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na payag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa ospital na lamang magsuot ng face shield.   “I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say.. that the wearing of face shield should only be in hospitals,” […]