• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paradigm Sports, nagbabala vs sinumang nangingialam sa boxing career ni Pacquiao

Tahasang binalaan ng management firm ni Sen. Manny Pacquiao na Paradigm Sports ang mga nanghihimasok umano sa boxing career ng eight-division champion.

 

 

Sa isang pahayag, binanatan ni Paradigm Sports president Audie Attar ang umano’y mga “shady characters” na pilit nangingialam sa business dealings ni Pacquiao na wala ang kanilang pahintulot.

 

 

Iginiit din ni Attar na sa ngayon, ang Paradigm Sports ang tanging humahawak sa karera ni Pacquiao sa boxing.

 

 

Aniya, ang sinumang nagpapanggap na manager o kinatawan ni Pacquiao ay mahaharap sa kaso.

 

 

“No one outside of Paradigm Sports is involved in any way with the management of Senator Pacquiao’s boxing career at this time,” giit ni Attar. “Anyone falsely representing themselves as Senator Pacquiao’s manager or representatives, as it relates to his remaining fight career, may face legal repercussions.”

 

 

Maliban sa Fighting Senator, ilang malalaking pangalan din ang hinahawakan ng paradigm Sports gaya nina Conor McGregor at UFC middleweight world champion Israel Adesanya.

Other News
  • Marcos sa political dynasties: ‘Kung gusto maglingkod, hindi mapipigilan’

    KAHIT BAWAL sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution ang political dynasties, ipinipilit ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi dapat pigilan ang sinumang gustong pumasok sa serbisyo publiko — pwede naman daw kasi mawala ang political clans kung ‘di na iboboto ng tao.     “You cannot stop people from wanting […]

  • Zero casualty target sa COVID-19 vaccine

    Target ng gobyerno ang zero casualty sa oras na mag-umpisa ang pagbabakuna kontra COVID-19.   Tiniyak din ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mas mag-iingat ang Pilipinas sa pagpili ng bakuna na gagamitin para sa mga senior citizens matapos na 23 matatanda sa Norway ang nasawi nang mabakunahan ng Pfizer dahil sa adverse reactions.   “Ang […]

  • Fury napanatili ang WBC world heavyweight belt matapos talunin si Chisora

    Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora.     Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.     Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na […]