Parak, 1 pa arestado sa baril sa Caloocan
- Published on November 7, 2022
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang dalawang katao, kabilang ang isang aktibong pulis matapos makuhanan ng baril ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat na natanggap ni Caloocan Acting Police Chief P/Col Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station 15 Commander P/Capt. Demile Tubbali, nagpapatrulya aniya ang kanyang mga tauhan sa Phase 7A, Brgy 176 Bagong Silang nang lumapit ang isang residente sa lugar dakong alas-4 ng madaling araw at ipinabatid ang nasaksihang pagdadala ng baril ng dalawang lalaki na kinilala lang sa alyas “Lel-Lek” at “Jon-Jon”.
Kaagad nagtungo sa sinasabing lugar sa Phase 7 ang mga pulis at dito nila inabutan na iniaabot ni alyas Jon-Jon sa kasama ang isang baril subalit nang makita ng dalawa ang paparating na mga pulis, kumaripas umano ng takbo ang mga ito subalit kaagad din silang na-korner matapos ang maikling habulan.
Nakuha sa suspek na si Ulrick Waldemar, alyas Lek-Lek, 34, ang isang kalibre .45 baril at tatlong magazine na pawang may kabuuang lamang 21 bala na umano’y ini-abot sa kanya ng naaresto ring si P/SSgt. Gideon Geronga, Jr. 44, alyas Jon-Jon, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 16 sa Pasong Putik at residente ng Bagong Silang.
Ani Col. Lacuesta, patuloy ang ginagawa nilang 24-oras na pagpapatulya sa ilalim ng programang S.A.F.E. NCRPO na inilunsad ni National Capital Region Police Office Director P/BGen. Jonnel Estomo na magpapatunay na gising ang kapulisan habang tulog ang mamamayan.
Pinuri naman ni Regional Director BGen. Estomo ang mga tauhan ng Caloocan City Police sa pagdakip sa kanilang kabaro bilang patunay sa patuloy nilang paglilinis sa kanilang hanay.
Kasong paglabag sa R.A. 10591 ang isasampa ng mga tauhan ng Caloocan police laban sa dalawang nadakip sa piskalya ng Caloocan City. (Richard Mesa)
-
‘Fantastic Beasts 3’ Officially Titled ‘Secrets of Dumbledore’
WARNER Bros. officially announces that Fantastic Beasts 3, now subtitled The Secrets of Dumbledore, will arrive in theaters in April 2022. First launching in 2016, the Fantastic Beasts films have acted as prequels to WB’s film adaptation franchise of J.K. Rowling‘s Harry Potter novels. The plots for the prequels generally center around Newt Scamander, an employee in the Beasts Division […]
-
Pinoy karateka James de los Santos nasa unang puwesto na
NAKAMIT na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings. Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament. Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos. Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal. Sinabi […]
-
Mga manlalaro asikaso maski may pandemya
LABIS na nalungkot pero naging pagsubok kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch’ Ramirez ang sinapit ng mga national athlete at mga kawani ng ahensya sa hirap na dulot at epekto ng Coronavirus Disease 2019. “After the 30th Southeast Asian Games last year, we have resolved many gaps, which are now over,” ayon […]