Parak tigbak sa cargo truck
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
Nasawi ang isang bagitong pulis matapos aksidenteng salpukin ng isang cargo truck ang likuran bahagi ng kanyang motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa North Caloocan Doctors Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Pat. Kevin Pinlac, 27, nakatalaga sa Northern Police District (NPD) District Mobile Force Battalion (DMFB) at residente ng 1522 C Zone 32, Sulu St. Brgy. 323 Sta Cruz, Manila.
Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang driver ng Izusu Cargo Truck na may plakang (WLD276) na si Ricky Baracena, 44 ng Poblacion, Norzagaray, Bulacan.
Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan police traffic investigator P/Cpl. Allan Saluta, Jr., dakong 8:45 ng gabi, kapwa tinatahak ng naturang mga sasakyan ang kahabaan ng Quirino Highway patungo sa Fairview, Quezon city kung saan nauna ang motorsiklo sa cargo truck.
Pagsapit sa Ascoville, Malaria Brgy. 185, Caloocan City ay bigla na lamang umanong huminto ang biktima na naging dahilan upang mawalan ng control ang driver ng cargo truck at bumangga sa likurang bahagi ng motorsiklo.
Sa lakas ng impact, nagtamo ng pinsala sa ulo ang biktima na mabilis isinugod sa naturang pagamutan ng rumespondeng Sinukuan Rescue habang sumuko naman sa pulisys si Baracena. (Richard Mesa)
-
PBA hihirit na magkaroon na ng live audience sa mga laro
Umaasa ang Philippine Basketball Association (PBA) na makakabalik na sa normal set-up ang 2021 PBA Governor’s Cup. Nakatakda kasing magsimula ang second conference sa ikatlo o huling linggo ngayong buwan na mayroong mga imports. Noong nakaraang taon kasi ay nagsagawa lamang ang liga ng All-Filipino Conference dahil sa COVID-19 pandemic. […]
-
Pope Francis suportado ang pagpapabakuna laban sa COVID-19
SUPORTADO ni Pope Francis ang national vaccination na isinasagawa ng bawat bansa laban sa COVID-19. Itinuturing pa nito na ang pagpapabakuna ay isang moral obligation. Kasabay din nito ay kinondina ng Santo Papa ang mga “baseless” ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccines. Sa kanyang talumpati sa “State of the […]
-
Maraming nadismaya na ‘di pumasok sa Top 16 si Celeste: Fil-Am na si R’BONNEY GABRIEL, kinoronahang ‘Miss Universe 2022’
NAGWAGING Miss Universe 2022 si Miss USA R’Bonney Gabriel sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana, USA. Kinabog ng 28-year old Filipino-American from Houston, Texas ang mahigpit niyang nakalaban sa Top 3 na sina Miss Dominican Republic Adreina Martínez (2nd runner-up) at Miss Venezuela Amanda Dudamel (1st runner-up). Si Gabriel […]