Paralympian Achele Guion, hangad na makakuha ng medalya sa Paralympic Games
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
Patuloy ang paghahanda ng anim na pambansang atleta na lalahok sa Paralympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Agosto 24- September 5, 2021.
Kabilang sa kanila si Achele Guion na naghahangad na manalo ng medalya matapos na magkaroon ng inspirasyon sa panalo ng gold medal ni weightlifter Hidilyn Diaz.
Sinabi ni Guion na sa kanyang ensayo ay nalampasan na niya ang kanyang record na 67 kgs sa powerlifting sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Ang target niyang maabot ay 80 to 82 kilograms sa kanyang paglahok sa Tokyo Paralympic Games.
Si Guion ay nagtatrabaho sa Tahanang Walang Hagdan sa Cainta, Rizal at lumiban ng isang buwan para sa kanyang training at paglahok sa Paralympic Games.
Nagpapasalamat siya sa suporta ng kanyang pamilya at Philippine Sports Commission o PSC.
Maglalaro si Guion sa August 26, 2021 at umaasa na mananalo siya ng medalya.
Mahigpit niyang kalaban ang powerlifter ng China na kaya ang 105 kgs.
Pangarap niyang matapos na ang kanyang at matutulungan din ang kanyang pamilya lalo na kanyang nanay sa kanyang maintenance medicine,
Sasabak din sa Tokyo Paralympics sina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan at discus thrower Jeanette Aceveda.
Simula noong 1988 Seoul Olympic Games sa South Korea ay hindi pa nakapag-uuwi ang Pilipinas ng gintong medalya sa Paralympics Games.
Magtutungo na sa Linggo Tokyo, Japan ang anim na Para athletes.
-
PBBM tiniyak pipirmahan ang panukalang Maharlika Investment Fund
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang lalagdaan ang bagong bersiyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa sandaling makarating ito sa kanyang opisina. Gayunpaman sinabi ng chief executive na bago niya ito lagdaan, kanya muna nitong rebyuhin para makita ang buong panukala. “I will sign it as soon as […]
-
Bucks tinapos ang ratsada ng Grizzlies
NAGSALANSAN si Giannis Antetokounmpo ng 33 points, 15 rebounds at 7 assists para ihatid ang nagdedepensang Bucks sa 126-114 paggupo sa Memphis Grizzlies. Tinapos ng Milwaukee (31-16) ang kanilang dalawang sunod na kabiguan para upuan ang No. 4 spot sa Eastern Conference at winakasan ang six-game road winning streak ng Memphis (31-16) na […]
-
Ravena papasiklab sa B.League All-Star Game
NAPABILANG para maging reserbang parte ng B.League All-Star Game 2021 na nakatakda sa darating na Enero 15-16 sa Adasutria Mito Arena, sa Mito, Japan ang Asian import na si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III. Sokpa para sa B.White team ang 23-taong-gulang, may taas na 6-2 Pinoy nang makalikom ng 27,593 votes at pumuwesto na pang-siyam […]