Ravena papasiklab sa B.League All-Star Game
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
NAPABILANG para maging reserbang parte ng B.League All-Star Game 2021 na nakatakda sa darating na Enero 15-16 sa Adasutria Mito Arena, sa Mito, Japan ang Asian import na si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III.
Sokpa para sa B.White team ang 23-taong-gulang, may taas na 6-2 Pinoy nang makalikom ng 27,593 votes at pumuwesto na pang-siyam sa guard position.
Ang Pinoy cager ay may average siya na 9.3 points, 4.0 rebounds at 1.44 assists para sa San-En NeoPhoenix squad sa kasalukuyang 5th B.League 2020-21 kung saan may 4-17 win-loss record ang koponan.
Nasa starting five ng B.White ni coach Kenji Sato sina Yuki Togashi ng Chiba Jets, Ryusei Shinoyama ng Kawasaki Brave Thunders, Kosuke Kanamaru ng Seahorses Mikawa, Sebastian Saiz ng Chiba Jets at Nick Fazekas Kawasaki ng Brave Thunders.
Swak naman para sa first five ng B.Black team sina Makoto Hiejima, Yuta Tabuse, Ryan Rossiter at Jeff Gibbs ng Utsunomiya Brex at Julian Mavunga ng Toyama Grouses na ang coach ay si Luka Pavicevic. (REC)
-
Ads March 3, 2023
-
‘Avatar 2’ New Image Reveals More Gorgeous Underwater Action
A new image from Avatar: The Way of Water reveals gorgeous underwater action from James Cameron’s long-awaited sequel. The first film was released in 2009 and remains the highest-grossing film of all time. Set more than a decade after the first Avatar movie, The Way of Water will feature the return of Jake […]
-
Caperal sa Barangay Ginebra San Miguel nagkapangalan
MUKHANG magwawakas na ang professional basketball career ni Prince Caperal noong 2017. Kulelat na siya sa Terrafirma Dyip (dating Columbian Dyip), pinakawalan na siya at naging free agent. Wala ng nagkainteres sa kanyang Philippine Basketball Association (PBA) teams. Nasilip siya ni Barangay Ginebra San Miguel team governor/team manager Alfrancis Chua ang 6-foot-7 big […]