Parang damit lang daw kung magpalit ng girlfriend: DIEGO, dininay na may ‘something’ sila ni FRANKI at pinatulan ang bashers
- Published on June 8, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-COMMENT ang aktor na si Diego Loyzaga sa Instagram post ng model at dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell na may caption na, “real eyes realize real lies” kasama ang dalawang sexy selfie photos.
Ang naging comment ni Diego ay, “Real eyes realize pizza pie.”
At may nag-comment agad ng, “Uhm #couplealert.”
Say pa ng isang netizen, “ang bilis magpalit ni Diego, parang damit lang.”
Na sinagot naman ng binata, “Alangan naman wag ako magpalit ng damit? Same brief, isang taon ba dapat? Butas butas na siguro brief mo tol.”
“@diegoloyzaga ah, hinahalintulad mo pala mga babae sa brief mo lang,” comment pa ng isa.
Kaya payo ng isa, “@missfranki wag pauto jan kay Diego haha.”
Isa pang netizen ang nag-comment sa pagde-deny ni Diego sa relasyon nila ni Franki.
At ang comment nito, “@diegoloyzaga baliw dineny mo nga. As friend lang kayo.”
Sagot naman ng anak ni Cesar Montano, “Anong gusto mo, kasal na kami?”
Matatandaang kumalat ang balita na may “something” na kina Franki at Diego matapos kumalat ang pinost na sweet photos nila, noong ika-27 birthday ng dalaga.
Pero statement nga si Diego ng, “Franki and I are not a thing. I just want to be single for now.”
Comment pa nga mga ‘marites’ na karamihan ay nagbababala kay Franki:
“Si ate girl kase nag post pa yan tuloy , mas excited pa si franki mag announce kesa Kay Diego.”
“Super atat si girl mag show off. Atat na sguro ikasal. 2 yrs nlng kasi mag 30 na sya.”
“Dear young girls, don’t waste your time on a guy like Diego. Walang future dyan. Bilis mag sawa. He will drop you like a hot potato. Lakas magpa fall ng babae, then iiwan nya pag sobrang seryosa at mahal na sya. Eeew.”
“Wag din kasi atat yung girl. Alam namang kakatapos lang ng relasyon ni Diego with Barbs at sobrang inlove nilang dalawa dati. Lol”
“Di ko bet si Diego pero di rin naman for keeps yung recent ex nya.”
“Franki, ingat ka. May expiry date ka kay Diego.”
“Papalit palit ng boyfriend Franki na yan.’
“Ang ganda nman ni ate girl… for diego tpos dineny pa.. enebeyen.”
“Magkamukha si Diego and franki. Matinik talaga itong c Diego Sa mga tisay. Infairness Maganda c franki.”
“maganda pero atat. Kaka turn off.”
“same lang naman sila. malay nyo mag click din db? hahaha.”
“”So arrogant and patolero.”
“Di ba pbb si franky tapos may housemate doon si argel na crush nya kaso mas bata sa kanya. Pansin ko lang kamukha ni Diego si argel, baka mga ganyan type ni girl.”
“Bagay naman sila.”
“Di na sana pinatulan ni Diego ang mga comments, nabuking tuloy.”
“Yung ang ganda mo tapos dineny ka. Ouch!”
(ROHN ROMULO)
-
DepEd: ‘Halaga ng mga nasirang learning materials dahil kay Ulysses, nasa halos P17-M’
Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umabot sa nasa P16.8-milyon ang halaga ng mga learning materials na nasira sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses. Sa isang situation report, sinabi ng DepEd na halos 400,000 learning materials, na karamihan ay nanggaling sa Bicol region, ang nasira bunsod ng bagyo. Maliban sa Bicol, […]
-
Tanggap at ‘di nagtanim ng sama ng loob: KEN, ni-reveal na pang-limang pamilya ng kanyang ama
NI-REVEAL ni Ken Chan na pang-lima pala silang pamilya ng kanyang ama. Sa kabila ng hindi sila ang orihinal na pamilya, hindi raw nagtanim ng sama ng loob ang Kapuso actor sa kanyang ama. “Sobrang pinabago ako ng sitwasyon na ‘yon. I think I became a better person after […]
-
Wanted na rapist, nalambat sa manhunt ops sa Navotas
LAGLAG sa selda ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Bangkulasi ang presensya ng 30-anyos na […]