• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parang gusto nang iwanan ang pagkanta: JK, na-enjoy ang pag-arte at pagganap bilang ‘Ninoy Aquino’

NAG-E-ENJOY na raw talaga si Juan Karlos “JK” Labajo sa pag-arte.

 

 

Nagbiro pa ito nang makausap namin sa celebrity premiere ng musical film niyang “Ako Si Ninoy” na parang gusto na raw niyang iwan ang singing at umarte na lang.

 

 

Pero siyempre, obvious na biro lang ito kay JK dahil first love niya raw talaga ang pagkanta at may plano nga siyang album na iri-release this year. Pero ‘yun nga, talagang nae-enjoy na raw niya ang acting.

 

 

Si JK ang gumaganap bilang si Ninoy Aquino sa movie na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa February 22. Nag-research rin daw siya sa role na ginampanan.

 

 

“Definitely, kasi, no’ng binigay po sa akin ni Direk Vince ang character, siyempre as an actor, it’s really a scary character to play. It’s a real person as compared to playing a character na fictional. Tapos, kinausap ko si Direk on how close he wants me to act as Ninoy. And then, sabi niya, you don’t have to act actually as Ninoy.”

 

 

Halos magkakatapat o magkakasabay ang mga pelikulang may koneksiyon sa pulitika o sa buhay ng mga Aquino at Marcos. Sa premiere ng movie, isa ang anak nina Ninoy at dating Presidente Cory Aquino na si Viel Aquino-Dee na sumuporta at nanood.

 

 

Sabi naman ni JK, “We all have that freedom in making arts. I’m not really sure if I have a positive opinion when it comes to changing history. That’s definitely something else, but at the end of the day, we’re just making a film, following what’s on the books that we learned from school. At sana ma-enjoy nila,” sey niya.

 

 

Naniniwala siya sa education system ng bansa kaya naniniwala siya sa history ng bansa.

 

 

Ang writer at director ng “I Am Ninoy” ay ang award-winning na si Vince Tañada. Diretso naman ang sagot ni JK nang tanungin ito kung gusto niyang mai-direk ng isang Darryl Yap.

 

 

“No, I’ve definitely don’t want to be directed by Darryl Yap,” sey niya.

 

 

***

 

 

NAG-POST na si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account at ini-expose ang mga brands o produkto na ginagamit siya at pinapalabas na ine-endorso ang mga produkto.

 

 

Ang totoo, hindi lang si Sharon ang biktima ng mga brand na ginagamit silang mga sikat na artista for fake advertisements.

 

 

Kaya sa inexpose niyang mga products na nanloloko, sinabi niya talaga na, “Isa pa itong FAKE!!! Madami silang produkto pang iba. Ingat po kayo! Ginagamit po kaming mga artista ng di namin alam kahit ang produktong ito di naman namin kilala!

 

 

“Fake po ito. Please share and try to inform as many people as you can. Pati si @draivee ginamit din po nila, nag-edit pa ng mga video namin. Fake po lahat ‘yon, lalo sa Facebook! Thank you po!”

 

 

Dapat ma-trace rin talaga tulad ng Facebook kung fake o nanloloko ang mga paid ads nila. No wonder, sobra talagang laganap ang fake news ngayon at disinformation.

 

 

***

 

 

NASA Amerika ngayon at nagbabakasyon and at the same time, nagse-celebrate rin ng kanilang ikatlong taong wedding anniversary sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

 

 

Dahil pandemic nang nagdaang dalawang taon, parang ngayon pa lang talaga sila nakalabas ng bansa at masasabing nakapagbakasyon.

 

 

Hindi pinaglagpas ni Matteo na hindi mabati ang kanyang misis sa pamamagitan ng Instagram account. Sabi ni Matteo, “To the love of my life, Happy 3 years of marriage!

 

 

“Looking forward to many more travels, laughs, adventures, food trips, roap trips and just experiencing life with you! Thank you for being you! Thank you for the love and care!”

 

 

And yes, tatlong taon na rin simula nang pasikreto nga silang magpakasal sa pamilya ni Sarah at hanggang ngayon, mukhang wala pa rin reconciliation na nagaganap sa pagitan ni Sarah at mga magulang niya.

 

 

Sigurado, mas iba ang saya kung okay na lahat.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • VILMA, pangarap pa rin ni Direk BRILLANTE na makatrabaho sa isang movie; type ding maidirek sina JOSHUA at NADINE

    BIHIRA ang pagkakataon na makakwentuhan ang Cannes Palme D’Or winner director na si Brillante Mendoza.     We were fortunate na naimbita ng award-winning director sa kanyang Secret Garden sa Mandaluyong, na ang laki na nang pagbabago since the last time we were able to go there many years ago.     Kahit na mahaba […]

  • BI, MAG-OPERATE NG SKELETON WORKFORCE

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang kanilang punong tanggapan, satellite at mga extension offices sa Metro Manila ay mag-operate ng skeleton workforces at iiksihan ang kanilang working hours kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa  Aug. 6.       Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang bagong work scheme […]

  • 29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19

    TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1.   Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.”   Nakapagpadala na ang […]