• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parang mag-bf-gf noon na bawal makita sa labas: CLAUDINE, forever grateful kay JUDY ANN at dream na magkasama sa pelikula

SA guesting ni Claudine Barretto sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, May 5, napag-usapan nila ni Boy Abunda ang pagkakaibigan nila ni Judy Ann Santos.

 

 

Bago ito, natanong muna ni King of Talk, na pangarap ng marami na magkasama sila sa isang pelikula o teleserye.

 

 

Sagot ng aktres, “Oh my God, that’s one of my bucket list.”

 

 

Kuwento pa ni Claudine, “You know, Judy Ann and I, people think we don’t get along, we never got along.

 

 

“But in truth is that even nu’ng debut niya, right after, I remember that was a Sunday and everything was closed, the after-party was in my condominium.

 

 

“So, ang dami naming pinagdaanan ni Judy Ann.”

 

 

Dagdag pa niya, “during that time, kumbaga, para kaming mag-boyfriend-girlfriend ni Judy Ann. Bawal kaming makita sa labas. kasi ayaw ni Tito Alfie (Lorenzo).

 

 

“Kasi dapat daw ala-Nora-Vilma. Parang ganyan.”

 

 

Pagbabalik-tanaw pa ni Clau na may magandang ginawa si Juday, noong lumipat siya sa GMA-7, na hinding-hindi niya malilimutan hanggang kamatayan.

 

 

“I would never forget what Judy Ann did to me, that’s why she is who she is. Judy Ann Santos is Judy Ann Santos.

 

 

“You know, at my lowest point, when I also transferred from Channel 2 to Channel 7, in one of her interviews, they said that she’s the Teleserye Queen. And she said ‘No. Claudine and I share this title.’

 

 

“I will never forget that moment ’til the day I die. And our dream is to be able to do a movie together.

 

 

“And I will be forever grateful for Judy Ann Santos.”

 

 

Pahabol pa ni Claudine, “and queen supports queens.”

 

 

Ang ganda rin ng kuwento niya tungkol sa isang eksena nila ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa pelikulang ‘Anak’, na nahirapan niyang gawin.

 

 

Pinag-usapan at naging iconic scene nga ‘yun sinasaktan niya sa movie si Ate Vi.

 

 

Pagbabahagi ni Claudine nang sinabi sa kanya na kailangang gawin ang eksena, “parang I can’t, I’m a Vilmanian, I can’t possibly hurt Ms. Vilma Santos.”

 

 

Kaya tumagal ito ng ilang oras para ma-convince siya, mula sa direktor na Rory Quintos, hanggang kina Malou Santos at Olive Lamasan.

 

 

Hanggang si Ate Vi na ang kumausap sa kanya na, “‘Anak, you can do it. Sige lang, we need this and you’re an actress.

 

 

“So, I was trying to motivate myself and I have to do this. But, it took so much, I don’t know how many hours talaga. And I think, next shooting day pa bago ko nagawa ang eksena.”

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • CHED, dumepensa sa umano’y ‘misuse’ ng P10-B fund

    IPINAGTANGGOL ng Commission on Higher Education (CHED) ang paggamit umano ng P10 billion halaga ng pondo, para sa mga scholarship ng mga mag-aaral sa tertiary, na inaangkin ni Northern Samar 1st district Representative Paul Daza na ginagamit sa maling paraan.     Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Commission on Higher Education o CHED chairman Prospero […]

  • AFTER “DUNKIRK,” HARRY STYLES TAKES THE LEAD IN “DON’T WORRY DARLING”

    WHEN Harry Styles had his first musical fame, he could have made a smooth transition into Hollywood leading man roles.     But he’s never had any interest in doing things the easy way. Instead, he made his film debut as a character actor, with a supporting role in 2017’s “Dunkirk,” the Oscar-nominated World War […]

  • Jeremy Lin may payo kay Kai

    MAY PAYO si dating NBA player Jeremy Lin kay Kai Sotto matapos hindi mapili sa katatapos na NBA Rookie Draft na ginanap sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.     Nais ni Lin na ipagpatuloy lamang ni Sotto ang kanyang mga ginagawa upang mas lalo pa itong mag-improve sa kanyang paglalaro.     Nasilayan […]