Paras at Nabong kinuha ng Blackwater
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nakuha ng Blackwater sina Andre Paras at Kelly Nabong bilang bagong player sa pagsisimula ng bagong season ng PBA.
Ayon kay Blackwater team owner Dioceldo Sy na pumirma ng dalawang taon na kontrata si Paras sa halagang P3-milyon sa koponan.
Nakita ni Sy ang talento ni Paras sa basketball at umaasa naman silang madadala niya sa kampeonato ang nasabing koponan.
Matapos naman na pakawalan ng NorthPort ang 32-anyos na si Kelly Nabong ay pumayag ito ng six-month contract sa Blackwater.
Magsisimula ang nasabing pagpirma ng 9-years veteran na sa buwan ng Abril.
Kasama ng dalawa na bubuo sa koponan ay ang second round picks na si Joshua Torralba at Rey Mark Acuno.
Mayroong 2-year deal na nagkakahalaga ng P120,000 kada buwan sa unang taon at P150,000 naman sa ikatlong taon habang si Acuno ay mayroong 1 taon na kontrata na pinirmahan na mayroong P100,000 sahod kada buwan.
-
LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntaSng mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET). Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay […]
-
Alex Eala, pinuri ng Malakanyang sa makasaysayang 2022 U.S. Open Junior girls’ singles tennis
PINURI ng Malakanyang ang Pinay na si Alex Eala na nagwagi sa US Open girls’ singles competition laban kay Lucie Havlickova ng Czech Republic. Lumikha kasi si Eala ng makasaysayang pagkapanalo at tinanghal bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Grand Slam singles title sa tennis sa nasabing kumpetisyon. Sinabi ni Press […]
-
Ads October 15, 2021