• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paras puwede na sa PBA – Herrera

PARA kay AMA Online Education Titans coach Mark Herrera, handa na para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang anak ni basketball legend Venancio ‘Benjie’  Paras Jr. na si Andre Nicholas Paras.

 

 

Nagsumite ng aplikasyon nitong Disyembre 21 ang nakababatang Paras para sa 36th PBA Rookie Draft 2021 na gaganapin sa darating na Marso 14.

 

 

May tatlong taon ng magkasama sina Herrera at 25 taong-gulang, 6-4 ang taas na basketbolista sa AMA makaraang maglaro rin ng huli sa University of the Philippines. Nakapag-PBA D-League (PBADL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na rin ang cager.

 

 

“Ready na ready na si Andre para sa PBA,” litanya ng basketball tactician kamakalawa.

 

 

Dinugtong pa ni Herrera na “almost all-around” player din ang foward.

“Solid na player si Andre at masuwerte ang makakakuha sa kanya,” panapos na sambit ni Herrera. (REC)

 

Other News
  • Diaz buhos training lang sa Malaysia

    WALA pa sa isipan ni national weightlifting star Hidilyn Diaz ang pag uwi sa Pilipinas.   Mas pokus siya na makapag- training upang paghandaan ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.   Inabot na ng anim na buwang stranded ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist sa Kuala Lumpur, Malaysia […]

  • Sobrang na-touch si Manay Lolit: KRIS, ‘di nakalimutang mag-send ng gift kahit na may matinding sakit

    SA Instagram account ni Manay Lolit Solis binanggit niya na nakaramdam daw siya ng sobrang kaba nang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapwa niya talent manager na si Leo Dominguez.       Ayon kay Manay Lolit na may karamdaman din sa ngayon ay hindi pa rin daw siya maka-get over sa pagkamatay […]

  • Lacson kay Sotto sa pagbabago sa 2021 budget: We cannot presume regularity

    TALIWAS sa paniniwala ni Senate President Vicente Sotto III, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na hindi maaaring magkaroon ng presumption sa regularidad ng P20 bilyong institutional amendments na inaprubahan ng “small committee” ng Kamara sa proposed 2021 national budget.   “That is unconstitutional. So to say that there’s presumption of regularity I think is misplaced […]