Paratang ni VP Leni na na-bully ang kanyang mga anak dahil sa #NasaanAngPangulo, pinalagan ni Sec. Roque
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ulat na binully niya ang mga anak ni Vice President Leni Robredo makaraang banggitin niya ang mga komento nila na tila patungkol kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa social media.
Ayon kay Sec. Roque, sinabi lamang niya na nagsalita ang mga anak ng bise presidente sa isyu ng #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Ulysses sa bansa na malayo aniya sa pambu-bully.
Gayunman, dedma na lamang ang Malakanyang sa pasaring ni Robredo na binully ni Sec. Roque ang kanyang mga anak.
Kamakailan, inakusahan ni Sec. Roque ang mga anak ni Robredo na gumawa ng pag-atake sa pangulo sa kanilang mga Twitter posts.
Hindi na rin ikinagulat pa ng Malakanyang ang todong pagtanggi ni Robredo na siya ang nasa likod ng hashtag #NasaanAngPangulo.
Sinabi ni Sec. Roque, hayaan na lang ang Pangalawang Pangulo kung itananggi man nito ang kanyang kinalaman sa hashtag na nag-trending kamakailan.
Aminado si Sec. Roque na nairita si Pangulong Duterte sa naturang hashtag at hindi naman ito mapupuno kung wala itong pinanghahawakang impormasyon na si Robredo nga ang utak ng naturang pakulo.
Hindi naman maitatanggi na may track record si VP Leni na kung may makita itong pagkakataong birahin o pulaan ang Pangulo ay gagawin nito kesehodang may pandemya o kalamidad.
Paalala na lang ni Sec. Roque sa Pangalawang Pangulo, hindi ito ang panahon ng pamumulitika.
Ikinadismaya naman ito ng kampo ng bise presidente na inaanalyze umano ng pamahalaan ang tweets ng kanyang mga anak sa halip na mag-focus sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. (Daris Jose)
-
Napaganda pa dahil pang-primetime: SOFIA at ALLEN, inamin na kinabahan kung bakit ‘di naipalabas last year ang teleserye
INAMIN ng AlFia loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay na kinabahan sila kung bakit hindi pa raw naipalalabas last year ang kanilang natapos na teleserye na Luv Is: Caught In His Arms. Noong July 2022 pa raw nila natapos ang buong teleserye noong mag-lock-in taping sila sa Baguio City. October ang sinabi sa […]
-
Pagpunta ni MAX sa US, mas umugong ang balitang may problema sila ni PANCHO
HABANG nagbabakasyon si Max Collins sa US, dumalo ito sa advanced screening ng Marvel film na Eternals in Los Angeles, California. Pinost ni Max sa kanyang IG Stories ang pag-attend niya ng naturang screening sa El Capitan Theatre suot ay black leather dress at kasama niya sa red carpet ay ang model-turned-film director […]
-
Tolentino ipapasok ang esports sa SEAG
KAPIT-KAMAY sina Philippine Olympic Committee (POC) President at Cavite Seventh District Rep. Abraham Tolentino at National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) President Ramon Suzara sa pagla-lobby sa Vietnam para manatili ang esports sa 31st Southeast Asian Games 2021. Ito ay matapos makahanap ng mapuwersang kaalyado ang POC sa pamamagitan ng Asian Electronic Sports Federation […]