• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay: JASON, never sumagot at naapektuhan sa pamba-bash dahil kay MOIRA

SA Palawan na nakabase si Jason Hernandez, ang dating karelasyon ni Moira dela Torre.

 

 

“Pumunta ako dun. Dapat vacation lang. Now I’m staying for the last seven months. Tapos, ang dami kong naging tropa dun, dami kong naging kaibigan.

 

 

“Dun ko na-realize na you don’t need a lot of things pala para maging masaya. Limang T-shirts, dalawang shorts, apat na brief, okay na. Ang saya!

 

 

“Sobrang saya,” pahayag ni Jason na nakausap ng press sa mediacon ng ‘The Write One’ dahil siya ang composer at singer ng kantang “Oras” na theme song ng series nina Bianca Umali at Ruru Madrid para sa GMA/VIU Philippines.

 

 

Naging mainit na isyu at hindi naging maganda ang hiwalayan nila ni Moira, at ngayon lamang magsasalita si Jason tungkol sa mga pamba-bash na dinanas niya.

 

 

“For me kasi, hindi ako affected kasi hindi ko sila kilala, e. Never ako sumagot. Hindi ko sila masisisi, kasi they know one side of the story.

 

 

“Ako, hindi rin ako magsasalita. Gets ko naman yung narrative na mukhang akong masama. Okay lang yun.

 

 

“Ako kasi, hindi ako… I’d rather be private,” seryosong sinabi ni Jason.

 

 

Pumayat si Jason dahil wala raw siyang ginagawa sa Palawan kundi tumakbo at asikasuhin ang ipinundar niyang negosyo doon.

 

 

“Same pa rin naman. Ako, ang mga friends ko nung high school ako, sila pa rin yung tropa ko hanggang ngayon. Hindi nagbago.

 

 

“Nasa Araneta ako, tumutugtog, may sold out concert, or nagbebenta ng lugaw sa airport, the same lang.

 

 

“I think, I’m not the new Jason, pero I’m much stronger. Mas matured. Mas natuto na.”

 

 

Nahingan rin ng reaksyon si Jason sa laki ng ipinayat ngayon ni Moira.

 

 

“I’m super happy for her.”

 

Wala raw silang komunikasyon ni Moira sa ngayon.

 

 

“May mga kailangan na transactions pero hanggang doon na lang.”

 

 

Lumuluwas lang raw siya sa Maynila kapag may trabaho pero sa Palawan na siya halos naninirahan.

 

 

“Gets ko si Kuya John Lloyd Cruz kung bakit siya lumipat dun. Sobrang simple,” kuwento pa ni Jason tungkol sa buhay niya ngayon sa Palawan.

 

 

“Ngayon, alam ko na yung importante sa buhay. Just friends, family, di ba? It’s all good. I’m good. Walang bitterness, walang ano. Pero gets ko naman na nasaktan siya.

 

“I think emotionally, I’m okay na, e. Siyempre sa simula, masakit, pero okay na. Like now, mas focus lang talaga ako sa family ko, sa business, sa friends,” pahayag pa ni Jason.

 

 

Kinanta ni Jason ang “Oras” bago ipinapanood ang unang dalawang episodes ng ‘The Write One’ kung saan kasama rin sina Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Mikee Quintos, Paul Salas at marami pang iba. Sa direksyon ni King Mark Baco.

 

 

Eere ito sa GMA Telebabad sa March 20, pero may advanced screenings sa VIU Philippines sa March 18.

 

 

***

 

 

SA unang pagkakataon ay magbibida sa isang pelikula si Mel Martinez at ito ay horror/comedy film na ‘D’ Aswang Slayerz’.

 

 

Matagal na si Mel sa showbiz, hindi ba siya nagkuwestiyon na tilalone overdue na ang pagkalooban siya ng isang pelikula?

 

 

Tumawa muna ito bago sumagot…

 

 

“Hindi naman po. Ako naman kasi kung ano naman yung maibibigay sa aking project, tatanggapin ko yan, e. There are no small roles, sabi, di ba, only small actors, so whether it’s big or small as long as you do your best.”

 

 

Wala rin siyang pagtatanong kung bakit ngayon lang siya nagbida?

 

 

“Hindi, wala akong ganun, e. Kasi every work for me is precious, whether… di ba for the longest time I’ve been the best friend, di ba, I’ve been the confidante, for the longest time ganun yung mga roles ko, BFF, pero minsan naman sa GMA nabibigyan naman ako ng pagkakataon na bida e, katulad sa ‘Wish Ko Lang, nagbida ako diyan, sa mga ibang mga ano na bida-bida din.

 

 

“Pero sa akin it’s all the same to me, as long as it’s work.”

 

 

Gaganap silang magtiyuhin ng isa pang bida sa pelikula, ang baguhang young actress na si Athalia Badere.

 

 

Marami silang kasamang sikat na content creators.

 

 

“We have content creators, like Christian Antolin, Magdalena Fox, Rosie Bagenben, na Tiktokerist din yan, mga influencers, and then we have Lester Tolentino, Benjie Rosales, mga Tiktokerists din yan, si Dawn Dupaya, at introducing si GJ Dorado tsaka si Chelsea Bon.

 

 

Showing na sa March 22 sa mga sinehan ang D’ Aswang Slayerz na mula sa Amartha Entertainment Production at sa direksyon ni Ricky Rivero.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • MANGINGISDANG NAVOTEÑO INAYUDAHAN NG BFAR

    UMABOT sa 1,056 rehistradong mangingisda sa Navotas ang nakatanggap ng salapi at pagkain mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.   Binisita ni Cong. John Rey Tiangco ang pamamahagi sa unang pangkat ng mga benepisyaryo na nag-uwi ng P3,000 cash voucher na makukuha sa MLhuillier at P2,000 halaga ng pagkain kabilang ang 25-kilo sako ng […]

  • Omicron 2 ulit na mas nakakahawa sa Delta

    Pinaniniwalaan ng independent OCTA Research Group na dobleng mas nakakahawa umano ang bagong Omicron va­riant kaysa sa Delta va­riant ng COVID-19 base sa datos na lumalabas mula sa South Africa.     Sinabi ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA, na dalawang beses na mas maaaring maipasa ang COVID-19 Omicron variant na nananalasa ngayon sa […]

  • ‘Mother tongue’ sa Kinder-Grade 3, ititigil na

    ITITIGIL na ang pagtuturo ng ‘mother tongue’ mula Kinder hanggang Grade 3 matapos mag-”lapse into law” ang Republic Act 12027, o pagpapatigil sa paggamit ng ‘mother tongue’ bilang ‘medium’ sa pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3.     Ang nasabing batas ay nag-aamyenda sa Enhanced Basic Education Act of 2023 o Republic Act 10533 na […]