PARKE SA MAYNILA, PLANONG BUKSAN SA LAHAT NG EDAD
- Published on March 1, 2021
- by @peoplesbalita
PABOR ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestiyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day”.
Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso , sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa panahon ngayon.
“Of course, we want to support [domestic] tourism, lalo na ngayon. At least kahit papaano may madudulot na negosyo at trabaho ‘yan. If there is an open space, an alternative for the people to go to, we’ll support it,”pahayag ni Domagoso.
Una nang binuksan angmga pasyalan sa Intramuros tulad ng Fort Santiago, Casa Manila Museum, at Baluarte de San Diego noong February 17, sa mga bisita na may edad 15 hanggang 65 taong gulang.
Gayunman, plano na rin ni DOT chief Bernadette Romulo-Puyat na buksan na ang mga parke sa lahat ng edad o ang “no age restriction policy” .
Paliwanag ng kalihim, mungkahi nito ang kahit na isang araw na exemptiom para sa pamilya kabilang ang senior citizens .
“Kasi ang turismo ay para sa pamilya, hindi lang for mga 15 to 65 years old,” saad ng kalihim.
“Let me take this opportunity na hikayatin ang ating mga kababayan na pumasyal kayo sa Intramuros. Kapag napasyal ka sa Intramuros noon kabahan ka, ngayon mas maaliwalas na. Malapit na rin mabuksan ang Metropolitan Theater sa April,” ayon naman sa alkalde.
Sinabi ng alkalde na suportado niya ang naturang hakbangin upang unti-unti nang mabuksan ang pampublikong espasyo dahil makakatulong ito upang palakasin ang ekonomiya ng lungsod. (GENE ADSUARA )
-
Ivana, tinupad ang wish ni Lloyd na maging bus washer
ANG laki ng ipinayat ng Kapuso actor na si Paolo Contis! Aba, e, nag-lose lang naman siya ng 30 lbs sa loob ng kulang dalawang buwan. Ang sikreto ni Paolo? Juicing! Dati nang nauso noon ang juicing, pero, masasabing effective talaga ito. Kasi, nakakapag- take ka pa rin ng lahat ng nutrients […]
-
Gin Kings nakauna sa Beermen sa semis
NAGING susi ng Barangay Ginebra ang sapat na pahinga at tamang preparasyon. Bukod pa rito ang matinik na shooting ni import Justin Brownlee sa three-point at four-point range. Ang resulta nito ay ang 122-105 paglasing ng Gin Kings sa San Miguel Beermen sa Game One ng Season 49 PBA Governors’ Cup semifinals […]
-
DOTR: Mga nawalan ng trabaho na OFWs, drivers bibigyan ng trabaho
Binibigyan ng pagkakataon ng Department of Transportation (DOTr) ang mga drivers, conductors at overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho ngayon panahon ng pandemya ang magtrabaho sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng DOTr. Nanawagan si DOTr Secretary Arthur Tugade sa mga nawalan ng trabaho ngayon pandemya tulad ng drivers, conductor at […]