Parking problem
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
PARKING ang isang malaking problema sa Metro Manila. Dulot na rin ito ng dami ng sasakyan at ang kawalan ng sapat na mapaparadahan. Kaya naman problema ang epekto nito sa ating mga kababayan.
Kaya para lang siguro masolusyunan kahit papano ang ‘parking problem’ – nauso ang tinatawag na “one-side parking” sa mga lansangan kung saan pinahihintulutan pumarada sa isang “side” ng ilang piling kalsada ang mga sasakyan na walang sariling parking.
Ngunit may umaabuso sa pribilehiyong ito gaya na yung mga may higit sa isa ang sasakyan; mga PUVs na dapat may sariling garahe pero wala; yung mga hindi naman nakatira sa nasabing kalye pero sinasarili ang ibang available parking slots doon, etc. Ang iba ay ayaw sa sistema ng one-side parking dahil unfair daw sa kanila na may mga sariling garahe.
Sa mga business establishments ay parking pa rin ang problema. Maraming negosyo na walang sariling parking kaya ang ginagawa nilang parking para sa mga customers ay bangketa o kalsada.
Ang ilan pa nga naglalagay na ng “exclusive” parking sign at inaangkin na ang mga bangketa. Katwiran ng mga negosyante – pag hindi nila ginawa ito paparada ng matagal sa kanilang harapan ang mga sasakyan ng kung sino man at mawawalan ng paradahan ang kanilang mismong mga customers. At ang resulta ay apektado negosyo. Umaangal naman ang ibang negosyante na naglaan ng sapat na parking spaces para sa customers sa loob ng kanilang property.
Ang hinaing nila ay dapat patas ang laban. Yung mga negosyante na pinaliit ang structure ng negosyo nila para maglaan ng parking slots samatalang yung iba ay ginagamit na “libreng parking” ang bangketa na pag-aari ng gobyerno. Problema rin ang “garaging”. Dahil may iba na hindi lang nagpa-park kundi ginagawa nang garahe ang sidewalks at mga kalye.
Maraming ganitong kaso sa mga condominium residents. Ayaw magbayad ng parking fee sa loob ng mismong Condo o kaya ay wala talagang sapat na parking space ang nasabing Condo. Kaya tuloy ang garahe nila ay ang kalye.
Sa ibang lugar, sa gabi, ay mistulang parking area ang harap ng mga condominium buildings. Problema pa rin ang mga Public Utility Vehicles o PUVs. Required kasi ng LTFRB na may sapat na garahe sila pero makikita na marami ay sa kalye nakabalandra kahit pa may mga batas at ordinansa na nagbabawal sa mga ito.
Dahil na rin talaga siguro sa volume ng sasakyan, marami pa rin ang pasaway kahit pilit na mahigpit na ipinatutupad ang mga nasabing batas at ordinansa. Ang depensa ng mga lumalabag sa batas ay dapat palusutin sila dahil gabi naman at wala nang traffic.
Kahit pa nasa harap na ng sasakyan nila ang “NO Parking” sign. Unfair daw naman ito sa mga nagbabayad ng parking space at garahe para sa sarili nilang gamit. Ilan sa mga suhestyon para sa problemang ito ay yung “pay parking scheme” sa lansangan at ang paghanap ng mga bakanteng lugar para maging parking atbp.
Pero anuman ang solusyon ang ilatag kung patuloy pa rin ang pagdami ng sasakyan magiging problema pa rin ang parking. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Presyo ng swab o PCR test, bagsak-presyo Malakanyang
TINIYAK ng Malakanyang na ibaba ang presyo ng COVID swab test sa ilalim ng bagong approach na inilalatag ng pamahalaan laban sa Corona virus. Ito’y bunsod na rin ng ikakasang pool testing na kung saan, ang isang PCR testing kit ay kayang paghati- hatian at gamitin ng sampu hanggang 20 indibidwal. Ayon kay Presidential spokesman […]
-
Tim Cone hindi nababahala sa bagong coach ng New Zealand; Quiambao may malaking papel sa laban ng Gilas Pilipinas
Hindi nababahala si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa bagong stratehiya na maaring ipagana ng bagong coach ng New Zealand. Sinabi nto na kumpiyansa ito sa kaniyang mga manlalaro lalo na at may idinagdag na sila malaking manlalaro sa katauhan ni Kevin Quiambao. Pinayagan kasi ng La Salle Green Archers na […]
-
After ng bakasyon sa Amerika: ANDREA, nakabalik at naka-quarantine na tama lang sa araw ng Pasko
NAKABALIK na pala sa Pilipinas ang Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa isang buwang bakasyon niya sa Amerika. Naka-quarantine pa ngayon si Andrea pero nag-share na siya ng video sa kanyang social media account na na-miss niya ang Pilipinas at tama lang daw ang uwi niya para sa nalalapit na Pasko. […]