• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng swab o PCR test, bagsak-presyo Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na ibaba ang presyo ng COVID swab test sa ilalim ng bagong approach na inilalatag ng pamahalaan laban sa Corona virus.

Ito’y bunsod na rin ng ikakasang pool testing na kung saan, ang isang PCR testing kit ay kayang paghati- hatian at gamitin ng sampu hanggang 20 indibidwal.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mula sa dating P3,000 kada salang sa swab test, ito ay maaari na lang bumaba sa P300.00.

“P300.00. Kasi there will be ten people using one test kit. So, it’s divided by ten, so it will be P300.00. So, now anyone can afford to have a test,” aniya pa rin.

Ang bagong hakbang na ito ani Sec. Roque ay bahagi na din aniya ng major changes at bagong istilo na ipatutupad ng gobyerno sa harap ng palalakasin nitong massive testing efforts.

At dahil sigurado na ang magiging abot kaya na ang pagpapa COVID test, kumbinsido aniya silang bababa na ang case reproduction rate gayundin ang case doubling rate.

Mas magiging mabilis na aniya ngayon ang pag a- isolate sa mga nagpositibo at negatibo sa swab test.

“And can you imagine the results, if they are tested, who wants to be tested, we can isolate the positive, as soon we isolate the positive in a massive targeted testing that we are about to embark, you can see that the R-naught (R0), the case reproduction rate, as well as the case doubling rate will go down dramatically,” pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Pfizer humingi na ng ’emergency use authorization’ para sa bakuna vs COVID

    Inanunsyo ng kumpanyang Pfizer na nakatakda na silang magsumite ng emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine.   Ayon sa CEO ng Pfizer na si Albert Bourla, ito ay matapos makakolekta na sila ng safety data na siyang requirement ng US Food and Drug Administration (FDA).   Gayunman, hindi pa raw nito matiyak kung […]

  • LRT-1 tigil biyahe sa Disyembre 3-4

    INIANUNSYO kahapon ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na ititigil muna nila ang pagbiyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Disyembre 3, Sabado, at Disyembre 4, Linggo,     Sa abiso ng LRMC, na siyang private operator ng LRT-1, pansamantalang sususpindihin ang operasyon ng rail line sa susunod na weekend […]

  • Ginawa ang lahat para maisalba ang relasyon: ALJUR, umamin sa vlog ni TONI na nagkasala kay KYLIE

    BONGGA si Toni Gonzaga dahil sa vlog niya ay umamin si Aljur Abrenica na nagkasala siya kay Kylie Padilla.     At ito ang dahilan kaya nagwakas ang kanilang relasyon.     “Yeah, totoo naman, totoo naman yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” pagbabahagi ni Aljur.     Ayon pa […]