• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parking problem

PARKING ang isang malaking problema sa Metro Manila. Dulot na rin ito ng dami ng sasakyan at ang kawalan ng sapat na mapaparadahan. Kaya naman problema ang epekto nito sa ating mga kababayan.

 

Kaya para lang siguro masolusyunan kahit papano ang ‘parking problem’ – nauso ang tinatawag na “one-side parking” sa mga lansangan kung saan pinahihintulutan pumarada sa isang “side” ng ilang piling kalsada ang mga sasakyan na walang sariling parking.

 

Ngunit may umaabuso sa pribilehiyong ito gaya na yung mga may higit sa isa ang sasakyan; mga PUVs na dapat may sariling garahe pero wala; yung mga hindi naman nakatira sa nasabing kalye pero sinasarili ang ibang available parking slots doon, etc. Ang iba ay ayaw sa sistema ng one-side parking dahil unfair daw sa kanila na may mga sariling garahe.

 

Sa mga business establishments ay parking pa rin ang problema. Maraming negosyo na walang sariling parking kaya ang ginagawa nilang parking para sa mga customers ay bangketa o kalsada.

 

Ang ilan pa nga naglalagay na ng “exclusive” parking sign at inaangkin na ang mga bangketa. Katwiran ng mga negosyante – pag hindi nila ginawa ito paparada ng matagal sa kanilang harapan ang mga sasakyan ng kung sino man at mawawalan ng paradahan ang kanilang mismong mga customers. At ang resulta ay apektado negosyo. Umaangal naman ang ibang negosyante na naglaan ng sapat na parking spaces para sa customers sa loob ng kanilang property.

 

Ang hinaing nila ay dapat patas ang laban. Yung mga negosyante na pinaliit ang structure ng negosyo nila para maglaan ng parking slots samatalang yung iba ay ginagamit na “libreng parking” ang bangketa na pag-aari ng gobyerno. Problema rin ang “garaging”. Dahil may iba na hindi lang nagpa-park kundi ginagawa nang garahe ang sidewalks at mga kalye.

 

Maraming ganitong kaso sa mga condominium residents. Ayaw magbayad ng parking fee sa loob ng mismong Condo o kaya ay wala talagang sapat na parking space ang nasabing Condo. Kaya tuloy ang garahe nila ay ang kalye.

 

Sa ibang lugar, sa gabi, ay mistulang parking area ang harap ng mga condominium buildings. Problema pa rin ang mga Public Utility Vehicles o PUVs. Required kasi ng LTFRB na may sapat na garahe sila pero makikita na marami ay sa kalye nakabalandra kahit pa may mga batas at ordinansa na nagbabawal sa mga ito.

 

Dahil na rin talaga siguro sa volume ng sasakyan, marami pa rin ang pasaway kahit pilit na mahigpit na ipinatutupad ang mga nasabing batas at ordinansa. Ang depensa ng mga lumalabag sa batas ay dapat palusutin sila dahil gabi naman at wala nang traffic.

 

Kahit pa nasa harap na ng sasakyan nila ang “NO Parking” sign. Unfair daw naman ito sa mga nagbabayad ng parking space at garahe para sa sarili nilang gamit. Ilan sa mga suhestyon para sa problemang ito ay yung “pay parking scheme” sa lansangan at ang paghanap ng mga bakanteng lugar para maging parking atbp.

 

Pero anuman ang solusyon ang ilatag kung patuloy pa rin ang pagdami ng sasakyan magiging problema pa rin ang parking. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • NBA: James Harden, Nikola Jokic nasa Orlando na matapos ang mga delay

    Nakarating na sa Walt Disney World Resort Campus sa Orlando, Florida si NBA star James Harden para humabol sa Houston Rockets na naghahanda sa muling pagpapatuloy ng 2019-20 season.   Ngayong Miyerkules nang dumating sa Florida si Harden, limang araw matapos mauna ang kanyang team na Houston Rockets na magtungo sa campus.   Hindi naman […]

  • ‘Pinoy Tasty’ at ‘Pinoy Pandesal’ may taas presyo na

    IPINAGTANGGOL  ng grupo ng mga panadero ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang “Pinoy Tasty: at “Pinoy Pandesal”.     Mayroon kasing P40.50 ang presyo ng Pinoy Tasty mula sa dating P38.50 kada balot hbang ang Pinoy Pandesal ay nasa P25.00 kada balot na mayroong P1.50 ang pagtaas.     Ang nasabing dagdag presyo isang […]

  • Pagwawakas sa work-from-home setup ipinuubaya ng DOLE sa mga employers

    Ipinauubaya na lamang ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer kung itutuloy pa ba nila o hindi ang work-from-home arrangement ng kanilang mga empleyado sa gitna ng COVID-19 pandemic.     Sinabi ito ni Bello matapos na magdesisyon ang national government na luwagan pa ang quarantine classification ng Metro Manila sa Alert […]