• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parks, Jr., Pogoy ginaya sina Paras, Magsanoc

SI Roger Ray (RR) Pogoy ang nagpasabog sa unang laro ng Talk ‘N Text sa 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations reopening nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble sa Angeles City, nang kumontak ng career-high 45 points patungo sa 100-95 pagpanis ng Tropang Giga sa Alaska Milk.

 

Sa ikalawang salang sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center powered by Smart 5G gym nitong Martes, si Bobby Ray (Ray-Ray) Parks Jr. naman ang nagbaga ng 40 points nang paparahin ang TerraFirma 112-101.

 

Sang-ayon nitong Miyerkoles kay professional hoops league chief statistician Fidel Mangonon III, naging unang local tandem sina Pogoy at Parks ang sa loob ng 30 taon na mga pumutok ng 40 o higit pang puntos sa magkasunod na laban ng isang koponan.

 

Huling umukit nito sina Ronald (Ronnie) Magsanoc at Venancio Johnson (Benjie) Paras, Jr. ng Shell. Humarurot si si Magsanoc ng career-high 40 sa 138-134 loss sa Presto noong Huly 1, 1990, tumapak ng 45 si Paras makaraan ang apat na araw ang apat nang masakerin ang Pepsi, 155-108.

 

“That’s a testament of my hardwork, and the support of my teammates,” suma ng anak ni PBA seven-time Best Import Bobby Parks, Sr. Parks, na lumapad ang katawan at nagkapandesal ang mga braso sa pitong buwang pagkatengga ng liga.

 

“It’s just great being able to perform. Benjie, and Ronnie … those are two great players,” hirit pa ng 27-year-old, 6-foot-4 Fil-Am combo guard.

 

Diyeta sa isang pukol lang si Parks sa opening quarter, buhat doon ay 12 of 17 na sa field, 7 for 10 sa 3-point area at binubulabog si Christian Jaymar (CJ) Perez sa depensa. Pinatingkad pa ng batang Parks ang nilaro sa 11 rebounds at 5 assists kontra 3 turnovers.

 

Pumoste naman si Pogoy ng 10 for 17 sa 3s at 17 of 29 overall shooting.

 

Pinaghahandaan ng TNT (2-0) ang duwelo kontra five-time defending champion San Miguel Beer ngayong alas-6:45 ng gabi.  (REC)

Other News
  • Alfred, isa sa mga sumuporta: ‘Easy Listening’ ni Nestor Cuartero, tagumpay ang book launch

    MALUGOD na inihayag ng UST Publishing House (USTPH) ang paglabas ng kalilimbag na aklat, sa ilalim ng kanilang creative nonfiction shelves, na “Easy Listening” ni Nestor Cuartero Ito ay kaipunan ng mga personal na sanaysay ng veteran journalist at book author sa kanyang matapat na pagtalakay tungkol sa iba’t ibang paksa — mula sa pagninilay […]

  • PBBM, inaasahan na pipirmahan ang 2025 budget bago mag-Pasko —PLLO

      INAASAHAN na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025 bago ang araw ng Pasko.     ”Yes, kasama… kasama na ‘yung sa budget. Siguro ano, before Christmas,” ayon kay Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Mark Leandro Mendoza nang tanungin ukol sa inaasahang petsa […]

  • Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi

    Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha.     Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang […]