• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Partnerships, mahalaga sa regional disaster risk reduction-PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalaga ang ‘partnerships’ sa mga bansa sa Asia Pacific region para makapagtatag ng ‘adaptive, inclusive, resilient, at sustainable region’ sa disaster risk reduction.

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang ‘courtesy and ministerial dinner for the delegates of the 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction’ na idinaos sa Maynila.

 

“Through this conference, we are presented with the opportunity to explore new avenues for collaboration, especially in leveraging science and technology to alleviate the impact of climate change and ensuring that disaster risk reduction financing is accessible to all.” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“By harmonizing all of our efforts, I trust we can build an Asia Pacific region that is truly adaptive, inclusive, resilient, and sustainable,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR), ang komperensiya ay mayroong stakeholders gaya ng gobyerno, pribadong sektor at akademiya para mapabilis ang progreso sa pagbabawas sa disaster risk.

 

“The increasing frequency and severity of natural hazards call for deeper innovation, for closer cooperation, and for sustained commitment from all of us,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Samantala, inilarawan naman ni Kamal Kishore, pinuno ng UN Office for Disaster Risk Reduction, ang Pilipinas bilang “lighthouse” sa pagtatrabaho sa disaster risk reduction.

 

“It’s a lighthouse which will give inspiration to countries not just in the Asia Pacific but beyond the Asia Pacific to across the world,” ang sinabi ni Kishore.

 

Tinuran pa ni Kishore na nakatuon ang Pilipinas sa local level, lalo na sa komunidad nito, trabaho ng iba’t ibang sektor, at pakikipag-ugnayan sa civil society.

 

“We have interacted with children and the level of awareness and enthusiasm that they have. It is just infectious. When you are with those children, you feel so hopeful of the future of not just us but also generations to come,”ang winika ni Kishore. (Daris Jose)

 

Other News
  • UAAP sa apela ni Aldin Ayo: Status quo!

    Wala pang balak ang UAAP Board na talakayin ang apela ni dating University of Santo Tomas (UST) Aldin Ayo sa kanyang indefinite ban.   Ito ay dahil hinihintay pa ng liga ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng CHED, DOJ at DILG na siyang magbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).   “Out of prudence, […]

  • Ads April 19, 2024

  • Fully vaccinated na mga batang nasa 12 to 17y/o, pumalo na sa 7.5M- Malakanyang

    PUMALO na sa 7.5 milyong mga bata na nasa 12 to 17 y/o ang fully vaccinated, “as of Jan 28, 2022.”     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, resulta aniya ito sa patuloy na pagbabakuna ng pamahalaan sa mga naturang age group.     Ani Nograles, makasisiguro naman ang lahat […]