UAAP sa apela ni Aldin Ayo: Status quo!
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Wala pang balak ang UAAP Board na talakayin ang apela ni dating University of Santo Tomas (UST) Aldin Ayo sa kanyang indefinite ban.
Ito ay dahil hinihintay pa ng liga ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng CHED, DOJ at DILG na siyang magbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).
“Out of prudence, symmetry, and economy, the Board deemed it best, and since there’s no urgency to act on the issue and we’re not conflicting, we await those findings so we can align,” ani UAAP executive director Rebo Saguisag.
Sa ngayon, may mga mas importanteng bagay na pinagtutuunan ng pansin ang UAAP kabilang na ang pagpaplano para sa susunod na season ng liga.
Kaya naman ayaw madaliin ng liga ang isyu tungkol dito.
Iniimbestigahan si Ayo matapos pumutok noong Setyembre ang Sorsogon bubble sa Bicol na pinamunuan nito kasama ang Growling Tigers.
Nagbitiw bilang head coach ng UST si Ayo noong Setyembre 4.
Sa resulta ng imbestigasyon ng UAAP na ibinase sa report na isinumite ng UST, lumabas na may nagawang paglabag si Ayo kung saan inilagay nito sa panganib ang kaligtasan ng mga student-athletes na kasama sa Sorsogon bubble.
Dahil dito, ipinataw ang indefinite ban kay Ayo.
Naglabas ng sariling report ang PNP Sorsogon na inendorso ni Sorsogon Governor Chiz Escudero para linisin ang pangalan ni Ayo sa anumang paglabas sa quarantine at health protocols.
Ito ang naging batayan ni Ayo para hilingin sa UAAP na bawiin ang indefinite ban.
-
PUBLIKO PINAG-INGAT SA ONLINE SCAM
KINUMPIRMA ng Philippine postal office o Philpost na isang scam ang isang quiz game na umiikot ngayon sa social media. Sa post ng ahenya sa kanilang official page, binalaan nito ang publiko at sinabing hindi namimigay ng financial aid ang Philpost. Dagdag ng ahensya maaaring magkaraon ng access ang mga scammers […]
-
KASAPI NG INC, HINAMON NA MANINDIGAN SA KATOTOHANAN
HINAMON ng isang Obispo ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo na manindigan sa katotohanan para sa ikabubuti ng bayan. Ito ay kasunod ng pag-endorso ng pamunuan ng INC sa kandidatura nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte bilang pangalawang pangulo. Ayon Novaliches Bishop Emeritus […]
-
Justice Gito, Justice Miguel mga bagong Associate Justice ng Sandiganbayan
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Justice Gener Malaluan Gito at Justice Ermin Ernest Louie Ramirez Miguel. Bilang mga bagong Associate Justice ng Sandiganbayan. Ang appointment paper ni Gito ay nilagdaan ni Pangulong Marcos nito lamang Oktubre 8, 2024, ipinadala naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga appointment papers nina Gito […]