• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pasabog ang teaser ng ‘The Cheating Game’: JULIE ANNE, kitang-kita ang versatility bilang aktres kaya pinupuri

PASABOG ang teaser ng ‘The Cheating Game’!

 

 

Umani nga ng mga positibong komento ang teaser ng pelikula ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na pagbibidahan nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob and Performer Rayver Cruz.

 

 

Nitong Miyerkules (June 28) ito napanood on air at online. Marami ang lalong na-excite sa pelikula dahil very interesting, intense, at unpredictable umano ang ipinakitang storyline batay sa teaser.

 

 

Talaga ring damang-dama na agad ang emosyon ng mga bida kasama pa sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez, at Thea Tolentino. Syempre, hakot-papuri rin si Julie Anne dahil kitang-kita ang versatility niya bilang aktres dahil tila hindi na mala-Maria Clara ang role niya rito.

 

 

Konting tulog na lang, malalaman na ang kuwento nina Hope Celestial (Julie Anne) at Miguel Agustin (Ravyer). Mapapanood na sa mga sinehan ang ‘The Cheating Game’ simula July 26!

 

 

***

 

 

PINAKILALA na ang mga actors na mapapanood sa second season ng ‘Squid Game’, ang phenomenal Korean survival drama na pinalabas sa Netflix noong 2021.

 

 

Unang in-announce ng Netflix na kasama sa second season sina Yim Si-wan, Kang Ha-neul, Park Sung-hoon and Yang Dong-geun. Magbabalik din sa series sina Lee Jung-jae, Wi Ha-joon, Lee Byung-hun and Gong Yoo.

 

 

Dagdag pa sa cast ang K-pop stars na sina Choi Seung-hyun (formerly T.O.P of the iconic group Big Bang) at Jo Yuri of the South Korean-Japanese girl group IZ*ONE. Join din sina Park Gyu-young, Lee Jin-wook, Kang Ae-sim, Lee David, Won Ji-an and Roh Jae-won.

 

 

Mga nagwagi ng acting awards sa first season ng ‘Squid Games’ ay sina O Yeong-su (Golden Globe best supporting actor) at Lee Jung-jae (Screen Actors Guild, Independent Spirit and Primetime Emmy best actor).

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Facebook, lumalabas bilang ‘accessory to a crime’ dahil sa hindi pagba-block sa e-sabong — DILG

    LUMALABAS na “accessory to a crime” ang social media giant Facebook dahil hindi nito binlock ang e-sabong o online cockfighting sa platform nito.     Nagpahayag ng pagkadismaya si Interior Undersecretary Jonathan Malaya dahil hindi man lamang nakakuha ng kahit na anumang tugon ang DILG sa kanilang request na i- block ang Facebook pages na […]

  • Duterte fit at healthy, negatibo sa COVID-19 test

    Nananatiling fit at healthy ang kasalukuyang kalusugan at kondisyon ng katawan ni Pangulong Duterte.     Reaksyon ito ng Ma-lakanyang sa kumalat na balita na na-stroke umano ang Punong Ehekutibo.     Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Palasyo sa mga Filipino na nag-aalala sa kalusugan ng Presidente.     Sinabi rin ni […]

  • Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG

    Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.     Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari […]