Pascual mag-iiwan ng bakas
- Published on September 18, 2020
- by @peoplesbalita
DUMADALANGIN si San Beda High School Red Cubs team captain Jose Miguel Pascual na maidaraos ang 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) juniors boys basketball tournament 2020-21 upang maging makulay ang pag-eksit niya
Huling taon na 19 na taong gulang at 5-11 ang taas na point guard para sa Mendiola-based squad dahil magtatapos na siya ng senior high school.
Ang Beda ang nagkampeon sa ika-95 edisyon ng liga kung saan nakatropa ni Pascual ang mga nakapagtapos na nitong Marso na sina Rhayyan Amsali, Yukien Andrada, Justin Sanchez at Winston Ynot.
Isang beterano na rin ng internasyonal na kompetisyon si Pascual sa paglalaro sa Batang Gilas sa 4th SEABA Under-16 Championship 2017 sa Pilipinas at sa 5th FIBA World Cup Under-17 2018 sa Argentina. (REC)
-
Terorismo sa Pinas, bumaba na
IPINAGMALAKI ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon. Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba […]
-
SINING AT KULTURANG PILIPINO SA QUEZON CITY, BUHAY AT AKTIBO
IDINAOS kamakailan sa lungsod Quezon ang isang tagisan ng galing sa balagtasan na may temang Diwang, Sagisag Kultura ng Filipinas sa pangunguna ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), NCCA-Philippine Cultural Education Program katuwang ang QC Education Affairs Unit. Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang sama-samang pagbibigay-buhay at pagkilala sa […]
-
Gobyerno handa na sa pagbabakuna
Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero. Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive […]