‘Pasyang ibenta ang Blackwater franchise, irekonsidera sana’ – PBA chief
- Published on July 20, 2020
- by @peoplesbalita
Umaasa si PBA Commissioner Willie Marcial na irerekonsidera ni Blackwater owner Dioceldo Sy ang pasya nito na ibenta ang franchise ng Elite.
Ayon kay Marcial, sakaling buo na ang pasya ni Sy na ibenta ang prangkisa, dadaan daw ang interesadong buyer sa mahaba at masalimuot na proseso bago maangkin ang koponan.
“Hindi ko pa siya nakausap tungkol diyan, pero kung may plano siyang ganun, he has to make it formal by putting it in a letter addressed sa PBA board,” wika ni Marcial.
Nitong Miyerkules nang ianunsyo ng team owner ng Blackwater na nais na nitong ibenta ang team sa halagang P150-milyon.
Posibleng nag-udyok sa nasabing pasya ang babala ng PBA at ng Games and Amusement Board na sanction dahil sa umano’y pag-eensayo ng Blackwater.
Wala pa kasing itinatakdang petsa ang liga kung kailan maaaring makapagpraktis na ang mga teams, kahit na nagbigay na ng go signal ang Inter-Agency Task Force.
“I’m still studying the case as well as Mr. Sy’s statements,” ani Marcial.
Giit din ni Marcial, si Sy daw ang dapat na maghanap ng buyer ng franchise, at hindi ang PBA.
“Siya ang maghahanap. Kung meron na siyang kakilala na ready bumili, sila ang mag-uusap,” dagdag nito.
-
P1.4 B MRT 4 tuloy na
Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4). Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. […]
-
Mayor Albee Benitez beach volley tilt hataw sa Bacolod City
HAHATAW ang 91 teams sa Second Mayor Albee Benitez Beach Volleyball Tournament na magsisimula ngayon sa University of St. La Salle Sandbox sa Bacolod City. Makakatapat ng mga top-notch teams mula sa Metro Manila ang mga provincial squads sa torneong kasama sa kalendaryo ng beach volleyball program ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na […]
-
PBBM: ASEAN, dapat tugunan ang brain drain sa healthcare sector
DAPAT na mag-adjust ng Southeast Asian countries at maghanap ng paraan para tugunan ang human capital flight, partikular na ang healthcare sector para sa kapakanan ng rehiyon. Ang usapin ng brain drain sa health sector ng rehiyon partikular na sa pangingibang-bayan ng mga nars at doktor ay tinalakay sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand […]