• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PATAFA pinirmahan na ang mediation agreement ng PSC

PINATUNAYAN ng athletics association ang kanilang hangaring tuluyan nang plantsahin ang gusot nila kay national pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Opisyal nang nilagdaan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang mediation agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) para masolusyunan ang isyu nila kay Obiena.

 

 

“On behalf of the Board of Trustees of the Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) Board of Directors, the PATAFA confirms its participation in the PSC Mediation,” wika ni PATAFA Board Member Datu Yusoph Mama sa sulat niya kay PSC chairman William’ Butch’ Ramirez na may petsang Enero 11.

 

 

Ang athletics association ay kakata-wanin nina president Philip Ella Juico, Atty. Aldrin Cabiles at Alfonso Sta. Clara sa mediation table.

 

 

Nilalaman din ng sulat ng PATAFA ang pagpapaliban nila ng dalawang linggo sa pag-apruba sa rekomendasyon ng kanilang Investigative  Committee para sa pagtatanggal kay Obiena sa national pool.

 

 

Sinabi kamakalawa ni Ramirez na ang mediation lamang ang tanging solusyon sa bangayan nina Juico at Obiena na nagsimula sa isang liquidation issue ng pole vaulter para sa coaching fee ni Ukrainian trainer Vitaly Petrov.

 

 

“That’s why humility, generosity, respect and forgiveness is extremely important in the midst of mediation,” wika ng PSC chief.

 

 

Naniniwala si Ramirez na pipirmahan din ng Southeast Asian Games at Asian meet record-holder ang mediation agreement ngayong linggo.

Other News
  • Ukraine, hindi na ipipilit pang maging kasapi ng NATO

    HINDI NA pipilitin pa ng Ukraine na maging kasapi pa ito ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).     In-anunsyo ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy matapos na tanggihan ng NATO ang kanyang kahilingan na ipatupad ang no-fly-zone sa himpapawid ng Ukraine sa kadahilanang maaari raw itong maging sanhi mas matinding digmaan sa Europe.   […]

  • “SPIDER-MAN: ACROSS THE SPIDER-VERSE” DROPS NEW POSTER

    COLUMBIA Pictures has unveiled the official poster for Spider-Man: Across the Spider-Verse which shows an upside down Miles Morales flanked by a multitude of Spider-People.     Check out the poster below and watch Spider-Man: Across the Spider-Verse in Philippine cinemas June 2023.       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/m-aC_4-kAmY]     About Spider-Man: Across the Spider-Verse     Miles […]

  • NAABOT na ng Navotas ang 101 porsiyento ng target na populasyon nito ang nabakunahan para sa Chikiting Ligtas 2024

    NAABOT na ng Navotas ang 101 porsiyento ng target na populasyon nito ang nabakunahan para sa Chikiting Ligtas 2024, ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health. Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa poliovirus, […]