Patay sa pagsabog sa Lebanon higit 70 na, halos 4,000 sugatan
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
Nasa 78 katao na ang patay at mahigit 3,000 katao ang nasugatan sa malakas na pagsabog sa Beirut port sa Lebanon.
Sinabi ni Health Minister Hamad Hassan, agad na dinala sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima.
Nagpakalat na rin sila ng mga rescuers sa lugar para iligtas ang mga naipit sa pagsabog.
Ayon pa sa health minister halos 4,000 na ang naitatalang mga sugatan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sumabog ang isang bodega na pinaglagyan ng mga nakumpiskang mga pampasabog.
Tiniyak naman ni Prime Minister Hassan Diab na kaniyang pananagutin ang sinumang nasa likod ng pagsabog.
Hindi rin nakaligtas ang Baabda Palace, ang official residence ng Lebanese president.
Kasunod din nito, nagdeklara na siya ng national day of mourning sa nangyaring pagsabog.
Naramdaman ang nasabing pagsabog sa 240 kilometers maging sa isla ng Cyprus at ilang katabing lugar ng Beirut.
Dahil sa sobrang lakas ng dagundong nagdulot pa raw ito ng seismic waves na katumbas ng 3.3 magnitude.
Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Filipino ang namatay at anim ang sugatan matapos madamay sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Ayon sa statement ng DFA, ang mga Pinoy ay nasa loob ng bahay ng kanilang mga employers nang mangyari ang pagsabog.
Tinatayang nasa 33,000 ang mga Filipino sa naturang bansa.
Una nang iniulat ng Lebanon health ministry na 78 na ang patay, habang nasa 4,000 naman ang mga sugatan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sumabog umano ang isang bodega na pinaglagyan ng mga nakumpiskang mga pampasabog.
Iniulat naman ni Lebanese Prime Minister Hassan Diab na nasa 2,750 tonelada ng ammonium nitrate na anim na taon nang nakaimbak sa warehouse kung saan nangyari ang insidente.
Ayon sa statement ng DFA, ang mga Pinoy ay nasa loob ng bahay ng kanilang mga employers nang mangyari ang pagsabog.
Tinatayang nasa 33,000 ang mga Filipino sa naturang bansa.
Sa naturang pagsabog, 78 na ang namatay habang mahigit 4,000 ang sugatan.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang pinagmulan ng pagsabog pero ayon sa mga opisyal doon, posibleng ang 2,700 tonnes o 2,700,000 na kilo ng mga nakumpiskang ammonium nitrate na nasa warehouse sa naturang port sa loob ng anim na taon ang sumabog.
Ang ammonium nitrate ay ginagamit bilang kasangkapan sa paggawa ng pampasabog sa mga minahan, quarrying at civil construction.
Samantala, nanawagan ang DFA sa mga Pinoy sa Lebanon na kung sakaling kailangan nila ng tulong ay komontak lamang sa Philippine Embassy sa mga numero na: +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060 at +961 70858086.
Maaari ring sulatan ang embahada sa email address na: beirutpe@gmail.com (email) o kaya sa Facebook. (Daris Jose)
-
Biggest break ang pagkakasama sa cast ng ‘Start-Up PH’: JERIC, malaking hamon na makatrabaho sina ALDEN at BEA
BIGGEST break ng Sparkle Hunk na si Jeric Gonzales ang pagganap niya bilang Davidson Navarro o Dave sa adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up PH. Malaking hamon daw kay Jeric ang makatrabaho sa serye sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi at ang iba pang cast members na may kanya-kanyang galing […]
-
Komite, at mga panukalang magpapabuti sa basic education tinalakay
Pinagtibay ng House Committee on Basic Education and Culture ang House Resolution 1176, sa nominasyon ni dating Senador Ramon Revilla Sr., na Pambansang Artista ng Bayan Pasa sa Pelikula, bilang parangal at pagkilala sa kanyang mga dakilang handog sa industriya ng pinilakang tabing. Ang resolusyon ay inihain ni Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez. […]
-
Malakanyang, siniguro na may paparating na ayuda para sa mga Filipinong apektado pa rin ng pandemya
TINIYAK ng Malakanyang na may rekomendasyon na ang Department of Budget and Management (DBM) para mabigyan ng ayuda ang mga Filipinong hanggang ngayon ay hirap pa rin dahil sa pandemya. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gulong na lang ng papel ang hinihintay sabay panawagan sa mga kinauukulan na huwag mainip. Sinabi ni […]