Patuloy na kinakabog ang teleserye nina Kathryn at Daniel: ‘Bolera’ ni KYLIE, record-breaking ang rating dahil tapatan nila ni INA
- Published on July 13, 2022
- by @peoplesbalita
INABANGAN talaga ng mga televiewers and netizens ang paglalaro ng billiards nina Kylie Padilla as Jose Maria “Bolera” Fajardo Jr. or si Joni, at ang special guest billiard player na si White Lotus, played by Ina Raymundo.
Ang maganda kasi, mabait at very accommodating ang character ni White Lotus, ‘di tulad nang iba niyang nakalaban, tulad ni Golden Eye (Klea Pineda). Naging record-breaking ang rating ng said episode nang makakuha ito ng 15.3% sa GMA-7 at sa GTV, laban sa 6.5% rating ng “2 Good 2 Be True” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na combined rating naman mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Cinemo at Jeepney TV.
Ang rating ay nagmula naman sa Nielsen Philippines TAM NUTAM People Rating based on preliminary overnight data.
Kaya siguradong muling aabangan ang mga kasunod na eksena ng “Bolera,” lalo ngayong magkasama nang lalaban ng billiards tournament sina Rayver Cruz as Miguel at si Joni.
Napapanood ito pagkatapos ng “Lolong,” sa GMA-7.
***
FROM heavy drama to hosting ang pinagkakaabalahan ngayon ni Kapuso actress Beauty Gonzalez.
Nang lumipat si Beauty sa GMA, tatlong magkakasunod na serye ang ginawa niya, at ngayon nga ay kasama na siya sa cast ng GMA Afternoon Prime na “The False Life.”
Ipinakilala na rin si Beauty as a new Dabarkads sa longest-running noontime show sa bansa, ang “Eat Bulaga.” Sa kanyang Instagram story, excited na ibinahagi ni Beauty ang poster ng EB, na nagsasabing magiging part na siya ng noontime show: “See you, Dabarkads! Beauty Gonzales guest co-host simula July 12.”
Naging masaya ang unang araw ni Beauty sa show, dahil kilala rin siya sa kanyang masayahing personalidad, naka-adjust siya agad sa mga co-hosts niyang sina Joey de Leon, JoWaPao, Ryan Agoncillo, Allan K, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, Maja Salvador, at Vic Sotto.
Big help si Beauty ng mga co-hosts, kapag Visaya ang dialect ng ini-interbyu nilang mga contestants sa show, siya ang nag-iinterbyu sa kanila.
***
MAY good news ang GMA Network sa mga netizens at tagasubaybay nila ng mga primetime drama series, Mondays to Fridays, after ng “Eat Bulaga.”
Nothing to worry na kayo kung nasa labas kayo at walang TV set na pwede kayong manood ng paborito ninyong teleserye. You can catch your Kapuso Shows online via “Kapuso Stream,” sa pamamagitan ng live stream, daily sa GMA Network’s You Tube, Facebook, and now sa “Tiktok!”
Sa GMA Afternoon Prime, mapapanood at 2:30 PM, ang “Apoy Sa Langit,” nina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos at Lianne Valentin. Susundan ito ng “Raising Mamay” nina Ai Ai delas Alas, Shayne Sava at Valerie Concepcion, at “The False Life” nina Ariel Rivera, Beauty Gonzalez, Sid Lucero at Tetchie Agbayani.
Sa GMA Telebabad naman at 8:00 PM after “24 Oras,” ang “Lolong” nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Jean Garcia at Christopher de Leon, followed by “Bolera” nina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Jak Roberto at Ms. Jaclyn Jose, then “Love You Stanger,” nina Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Gil Cuerva.
(NORA V. CALDERON)
-
Julia, forever grateful sa ‘Star Magic’ at ‘di totoong walang utang na loob
HINDI naging madali para kay Julia Barretto ang iwan ang Star Magic dahil 14 years siyang nanatili roon. Ipinaliwanag naman niya kung bakit ang Viva Artist Agency na ang bago nang magma-manage sa kanyang showbiz career. “Mula nine years old sila na ang naging pamilya ko,” sabi niya. “But you know what […]
-
Cascolan ‘no comment’ sa possible extension sa kanyang termino
NO comment si PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan sa posibleng pagpapalawig ng kanyang termino matapos ang kanyang mandatory retirement sa darating na November 10,2020. Ayon kay Cascolan, hindi pa sila nagkakausap ng Pangulo tungkol sa kanyang nalalapit na pagreretiro, na limang araw nalang mula ngayon, pero ano man ang desisyon ng Pangulo ay […]
-
Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ibinulsa ang 3rd gold medal ng Phl sa boxing sa SEA Games
PANALO sa pamamagitan ng stoppage ang Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial laban sa East Timorese slugger Delio Anzaqeci sa unang round pa lamang ng kanilang pagharap sa 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Bac Ninh Gymnasium. Ginamit ni Marcial ang kanyang jab para i-set up ang kanyang kalaban para sa […]