Cascolan ‘no comment’ sa possible extension sa kanyang termino
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
NO comment si PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan sa posibleng pagpapalawig ng kanyang termino matapos ang kanyang mandatory retirement sa darating na November 10,2020.
Ayon kay Cascolan, hindi pa sila nagkakausap ng Pangulo tungkol sa kanyang nalalapit na pagreretiro, na limang araw nalang mula ngayon, pero ano man ang desisyon ng Pangulo ay kanyang susundin.
Una na ring nagsumite si DILG Secretary Eduardo Año ng shortlist sa Pangulong Duterte na kanyang mga rekomendasyon para maging susunod na PNP Chief.
Nang tanungin kung sino ang kanyang irerekomenda, sinabi ni PNP Chief na ang lahat ng miyembro ng kanyang “dream team” ay qualipikadong maging PNP Chief.
Ang tinutukoy ni Cascolan na “dream team” ay ang tatlong pinaka-senior members ng kanyang Command group na sina PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Guillermo Eleazar na number 2 man ng PNP; si PNP Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Cesar Hawthorn Binag na number 3 man, at si PNP Chief of Direc- torial Staff PMGen. Joselito Vera Cruz.
Alinsunod sa batas ang lahat ng 1-star General pataas ay eligible na maging PNP Chief.
Dagdag ni Cascolan, kumpiyansa siya na sino man ang maging susunod na PNP Chief ay maipagpapatuloy nito ang mga programa ng PNP. (Daris Jose)
-
JOYCE, sinorpresa ni JUANCHO ng isang drive-by baby shower
SINORPRESA si Joyce Pring ng kanyang mister na si Juancho Trivino ng isang drive-by baby shower. Dahil sa pandemya, hindi puwede ang magkaroon ng bisita sa baby shower at ginagawa na lang ito online. Pero nakaisip so Juancho at mga kaibigan ni Joyce ng paraan para maging happy ang soon-to-be-mommy. Naisip […]
-
ADVERTISING INSTALLER SINAKSAK NG KAINUMAN
NASA malubhang kalagayan ang isang 36-anyos na advertising installer matapos saksakin ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Si Crispelito Cebreno ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Lorenzo Ruiz General Hospital bago inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan […]
-
DepEd, naghahanda na para sa 2022 global learning assessment
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na bumuo na sila ng technical working group para ihanda ang mga guro at estudyante na lalahok sa isang international learning assessment. Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, lalahok ang bansa sa susunod na Programme for International Student Assessment (PISA), na gaganapin sa 2022. Bagama’t kumpiyansa ang […]