• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patuloy na lalaban kahit mas lumala pa ang sakit: KRIS, gusto pang mabuhay para kina BIMBY at JOSH

KATULAD ng ipinangako ni Boy Abunda noong February 13, for the first time, magla-live si Queen of All Media Kris Aquino mula sa Amerika, sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, sa mismong araw ng kanyang birthday, February 14.

 

Ini-reveal nga ni Kris ang makadurog-pusong detalye tungkol sa kanyang medical conditions na gusto niyang ipaalam lahat.

 

Nabanggit nga niya sa bandang huli ng interview na, “I refuse to die.

 

“Talagang pipilitin ko, because my next chapter is to become a stage mother.”

 

Matapos siyang sabihan ng kapatid na si Viel, na mag-ayos ng bihis, dahil ayaw nitong kaawaan ng tao at matakot na parang ililibing na siya.

 

“Happy Valentine’s day and I’m 53 now, I want to still be here when I’m 63,” positibong pananaw pa ng aktres.

 

Ikinuwento ni Kris ang nagkapatong-patong na sakit, na ngayon ay pati ang kanyang puso sa may problema, dahil namamaga na raw.

 

Kinumpirma ni Kris na meron na siyang limang autoimmune disease kaya lalong lumalala ang kanyang kalagayan. Ang ikalima raw ang pinakakontrabida sa lahat sa buhay niya, ang Churg-Strauss syndrome na kilala rin na EGPA(Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis).

 

 

Matapos magkaroon ng comorbidity at magpositibo sa COVID-19, may tama na rin daw ang kanyang lungs.

 

 

Puwede rin daw siyang ma-stroke anytime, at side daw ng daddy niya ay matindi ang pagkakaroon ng cardiovascular disease.

 

“I would have been okay, kung hindi ako nagkaroon ng autoimmune disease.

 

“I was treated for this in San Francisco, December 2016. So, I was fine noong panahon na ‘yun. It was only nagka-problema na naman after ng COVID.”

 

Sabi ni Kuya Boy, ang susunod na anim na buwan ay magiging crucial sa kalagayan ni Kris, kaya tanong niya, ano ang magiging susunod na hakbang sa kanyang pagpapagamot.

 

“On Monday (Feb. 19) papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot,” mahinahong sagot ni Kris.

 

“This is my chance, but to save my heart. Because kung hindi ito tumalab Boy, I have a very strong chance of having cardiac arrest.

 

“As in puwedeng in my sleep. Kung ano man ang ginagawa ko, puwedeng tumigil na lang ang pagtibok ng puso.

 

“May gamot na susubukan, pero there is a big risk with this medicine. Dahil hindi binibigay ang gamot na ‘to, na hindi muna binibigyan ng steriods.

 

“Kaya on Monday, magbi-baby dose muna ako. Titingnan nila kung kakayanin ko, saka ko bibigyan ng pangalawang dose.”

 

Very honest naman si Kris sa pagsasabi sa maaaring mangyari sa kanya sa darating na buwan.

 

“I am very very upfronted honest at hinarap ko na ito. Because alam ko, na bawat araw, especially now birthday ko pa, pahiram na lang ito ng Diyos.

 

“Binigyan Niya ako ng bonus. Kaya kung ano man ang natitira, it’s a blessing.

 

“But I really want to stay alive. I mean, sino ba naman ang magsasabi na, handa na akong mamatay.

 

“Bimby is only 16, I made a promise to him na, until he becomes an adult, I will do everything, lahat gagawin ko.

 

“Ang kuya niya falls under autism spectrum. Ako lang ang nagpalaki sa kanila, kaya kailangan pa nila ako.

 

“But on the flipside of that, after Monday, wala akong immunity. Puwede na akong dapuan ng kahit na anong sakit at wala akong panlaban doon.”

 

Tanong tuloy ng mga netizen, bakit daw ang hirap gumaling ni Kris sa kanyang mga sakit.

 

“Ang daming hindi puwede gamitin sa akin. Kumbaga, papasok ka sa giyera, ang mga kalaban mo lahat naka-armalite, lahat sila may assault rifle, ikaw, binigyan ka ng butter knife or tinidor.

 

“Pero buhay ako ngayon, at alam ko, dahil tiwala ako sa dasal na kakayanin pa ‘to.

 

“Ito lang ang sinabi ko sa Ate ko, ‘Ate if something happens to me, it will show people na prayers, hindi pinapakinggan ng Diyos ang napakaraming dasal ng mga tao.”

 

 

Huling tanong ni Kuya Boy, ang dasal ngayon ni Kris?

 

“I just wanna thank God. Gusto kong magpasalamat, because people that I don’t know, people that I never met. Yung hindi ko kakilala, everywhere.

 

“Wala akong na-encounter na hindi nagsabi sa mga anak ko, mga kapatid ko at mga kaibigan, ‘na ipinagdarasal nila at sinasabi nilang kailangan siyang gumaling. Kasi meron pa kaming hinihintay na galing sa kanya. Gusto pa namin siyang mapanood’.

 

“But, I cannot promise you that. Kasi ang dami ko nang hindi kayang gawin.

 

“Pero ito po ang pangako ko sa inyo, hindi ko kayo bibiguin dahil sumuko ako. Wala sa pananaw ko sa buhay na puwedeng sumuko, kailangang lumaban.

 

“Hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa inyo dahil binigyan n’yo ako ng pinakamagandang regalo. ‘Yung pagmamahal ninyo, pagsuporta at pagdarasal ninyo.

 

“Kasi, wala naman akong nagawa para sa inyo. Pero kayo sobra ang binibigay n’yo sa akin na lakas. I know that you’re praying for me and that’s the biggest gift that anyone can give.”

 

Dagdag pahayag pa ni Kris para kanyang mga kapatid.

 

“I missed them so much! I loved them so much and it’s so hard.”

 

Nagpasalamat din si Kris sa mga kaibigan niya, lalo na yung nag-effort na puntahan siya sa Los Angeles, dahil nalaman niya kung sino talaga ang totoong kaibigan.

 

Panghuli niyang pasasalamat kay Boy at sa GMA, “I want to say thank you also to you for making this happened.

 

“Thank you to Mr. Duavit, Ms. Annette and everybody in GMA dahil kayo ang nagbigay sa akin ng venue para mag-explain sa mga tao kung ano ang nangyayari sa akin.

 

“And also to our friend, Ms. Jessica Soho, kasi Boy, alam mo naman na kanya nakapangako ang interview na ‘to. Pero noong nalaman niya sa ‘yo ko binigay, wala talaga siyang pag-aalinlangan.

 

“Dahil alam niya you are like a brother to me.”

 

May God bless you Kris, patuloy kaming magdarasal na malampasan mo ang pagsubok na ito.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Tambalang Go-Duterte sa Eleksyon 2022, wala pa ring kasiguraduhan – Nograles

    WALA pa ring kasiguraduhan ang tambalang Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 national elections.   Sa isinagawang Pandesal Forum, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kapwa may “indefinite decision” sina Go at Pangulong Duterte sa naging panawagan sa kanila na tumakbo sa pagka-pangulo at bilang bise-presidente sa halalan […]

  • Deklarasyon ng WHO na nagbigay tuldok sa COVID-19 global health emergency

    MAAARI nang muling pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang economic development ng bansa.     Ito’y kasunod ng  naging anunsyo ng World Health Organization (WHO) ukol sa hindi na isang global health emergency ang COVID-19.     “With this development, we can now refocus our plans and priorities and train our size with renewed vigor, […]

  • Pinay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz nakabawi, wagi pa rin ng gold medal sa 55kg women weightlifting

    MULING nag-uwi ng Gold ang Olympics gold medalist  na si Hidilyn Diaz sa pagdepensa niya ng kanyang women’s 55 kgs weightlifting title kahapon Biyernes sa  31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Nagsimula ang laro ni Diaz dakong ala-1 ng hapon oras sa Pilipinas sa Hanoi Sports Training and Competition Center.     […]