• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patuloy na naire- record na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, dapat tingan sa positibong perspektibo – WHO

NANINIWALA ang World Health Organization na hindi dapat na ikahina ng kalooban ang patuloy na naiuulat na pagdami ng kaso ng COVID sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque na ito ang inihayag ni WHO representative to the Philippines Dr Rabindra Abeyasinghe gayung indikasyon aniya ito sa pagtaas ng actual COVID testing na ginagawa sa bansa.

 

“Sabi po ng WHO, huwag naman po tayong ma-discourage ng napakadami nating cases dahil ito po ay dahil na rin po sa pagkilala na tumaas na ang ating actual testing na ginagawa sa ating bansa,” aniya pa rin.

 

“At ang katotohanan po na isa po tayo sa pinakamababang mga namamatay sa COVID ay patunay na nagkaroon na po tayo ng mga bagong mga pamamaraan para gamutin ang ating mga pasyente,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na sinabi ni Abeyasinghe na napatunayan din aniya ng pamahalaan na napalawak nito ang clinical at hospital capacity sa gitna ng nararanasan pa rin ngayong pandemya.

Repleksiyon aniya ito ng mga datos na nagpapakitang ang Pilipinas ang isa sa mga may pinakamababang namamatay sa Corona virus.

 

Batay sa pinakahuling update ay nasa 2 million 150 thousand 514 na ang naisasalang sa PCR test habang nasa 82 licensed RT-PCR  at 27 licensed gene expert laboratories mayrun na sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 10-day national mourning sa buong bansa idineklara ni PBBM dahil sa pagpanaw ni FVR

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang 10 araw na national day or mourning bilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.     Dahil dito ilalagay ang bandila sa half-mast sa lahat ng mga buildings kasama ang mga installations ng bansa sa ibang bansa.     Batay naman ito sa Proclamation No. […]

  • Vietnam SEA Games organizers todo kayod para matapos ang mga playing venues

    NATAPOS na ng Vietnam ang mga playing venues mahigit 40 araw sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games.     Dahil aniya sa epekto ng COVID-19 pandemic ay iniurong ang hosting na noon sana sa November 2021 ay ginawa na ito sa Mayo.     Ilan sa mga renovation na natapos na ay ang My […]

  • Ads May 31, 2024