• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patung-patong na kaso, ibinabala sa nagbebenta ng bakuna at vaccination slots

Binalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na gobyerno, para bantayan ang kanilang mga tauhan sa isyu ng pagbebenta ng bakuna o maging ng vaccination slots.

 

 

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, seryosong usapin dito, lalo’t hanggang ngayon ay hindi pa rin sapat ang dumarating na bakuna para sa karamihang mga kababayan natin.

 

 

Sinabi ni Malaya na patung-patong na kaso ang isasampa sa mga dawit sa bentahan.

 

 

Kabilang sa mga paglabag ay pagnanakaw, paggamit ng government property at pananabotahe sa programa ng pamahalaan.

 

 

Ang LGU officials namang masasangkot dito ay kakasuhan agad sa Office of the Ombudsman.

Other News
  • Malakanyang, nais ang karagdagang labs para sa mabilis na pagpapalabas ng RT-PCR test results

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTR) na taasan ang bilang ng mga accredited RT-PCR laboratories para mas maging mabilis ang pagpapalabas ng COVID-19 test results.     “We already gave a nudge to BOQ and DOTR to increase the number of accredited RT-PCR labs for additional options to […]

  • PDu30, malabong ma-impeach -Sec. Roque

    MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS).   Pinalagan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang Pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon […]

  • Action plan sa pagpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila, inilatag

    NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang 17 local government units sa Metro Manila, at mga pambansang ahensya na responsable sa pamamahala ng trapiko sa kalakhang lungsod na maisakatuparan ang pagpapatupad ng limang taong action plan para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya at negosyo ng bansa.     Sa […]