PAULO, tinatawanan na lang ang wild comments tulad ng “sa akin ka na lang” at “anakan mo ko”
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
ISA sa mga artista na aktibo sa kanyang Twitter account si Paulo Avelino.
Kung tutuusin nga, parang iba ang nakikitang personality sa kanya sa Twitter at kung titingnan siya na parang seryoso naman sa totoong buhay.
May pagka-witty at randomly, may mga nirereplayan talaga siyang mga fan na nagtu-tweet.
Sa naging Instagram Live niya sa writer na si G3 San Diego, sinabi nito na tila may pagka-wild ang mga tagahanga ni Paulo na very passionate din sa kanya.
Nakikita raw ba ito ng actor.
“Of course, I do,” sey naman niya.
“But I wouldn’t say it’s obsessive or something like that. Kumbaga, well, I’m sure, 70, 80, 90 percent of them, nangti-trip na lang din.
“Kumbaga, sumasakay na lang din or they will reply something witty so people will read them.”
Kailan lang ay nakipag-Twitter party si Paulo sa ilang mga fan at inuman daw. Pero may warning naman ito na only those of legal age lang ang pwede.
Ang mga comments din lagi kay Paulo, nandiyang, “Sa akin ka na lang,” “Anakan mo ko” at iba pa. Natatawa lang daw si Paulo sa mga ganitong comment dahil alam naman daw niya na hindi naman seryoso.
“Well, I find it funny,” sey niya. “It’s entertaining.”
Sa isang banda, aside sa may bago siyang serye sa Kapamilya network, ang Marry You, Marry Me, katambal si Janine Gutierrez, siya raw ‘yung taong sa bahay lang talaga at aminadong into online games din.
Kaya sa tanong kung ano ang nakikita niyang ginagawa at the end of the year, especially with this still pandemic, tila kung may kasiguraduhan man sa kanya, ito ay ang paglalaro.
***
AYAW na raw magalit ni ‘Nay Lolit Solis, pero tinawag niyang kakitiran ng ulo ng ilang nagtatanggol sa alagang si Mark Herras.
At natuwa rin naman daw siya na may followers pa rin na handang magtanggol dito.
Nilinaw nga niya na hindi lang si Mark ang alaga niya na nangutang sa kanya at parang pamilya na ang relasyon niya rito. Inamin din niya na medyo na-guilty rin siya kung bakit nabanggit niya sa kanilang online show na ‘Take It Per Minute’ dahil parang napahiya nga raw niya ang alaga.
Pero sey niya, ang rason kung bakit nagagalit siya kay Mark, dahil sa maliit na halagang hinihiram nito, which is around 30k e, wala raw ito. Artista pero 30k wala, naikumpara pa sa kanyang kasambahay na may 120k na savings.
Sey niya, “Galit, iritasyon ang nararamdaman ko. Now do’n sa nagtatanggol kay Mark, pwede ba, ‘wag kayong over acting na gumagamit pa nang masamang mga salita.
“Sana, mas natulungan niyo pa si Mark kung pinayuhan niyo sana na maging seryoso sa trabaho, makasabay sa mga stars na naungusan na siya sa popularity para mas dumami ang assignments. Kung talagang mahal niyo si Mark Herras, sana advice na maganda ang gawin niyong tulong sa kanya.” Nanghihinayang din ito na sana raw, binigyang halaga ni Mark ang kinikita at ‘di siya aabot sa ganitong situwasyon. Na ngayon nga ay may dalawang anak na.
Ang dating sexy star na si RR Enriquez ang kumuda against ‘Nay Lolit at naawa nga raw kay Mark. Kinuwestiyon pa nito ang talent manager na 30k lang naman, ‘di pa pinautang at sinabihang marami naman daw kinita sa actor.
Sa dalawang Instagram post ni ‘Nay Lolit, ma-realize kaya ng dating sexy star ang pinupunto ng manager ni Mark? Mabait na artista si Mark, pero alam din ng karamihan na may pagkukulang at naging pagpapabaya talaga si Mark pagdating sa kanyang craft, na nakakapanghinayang talaga.
***
ENJOY raw si Mavy Legaspi sa unang teleserye niya sa GMA-7, ang I Left My Heart in Sorsogon kunsaan, babalik pa sila for another lockdown.
Ayon dito, literal na para raw talaga silang naging isang pamilya na hindi raw niya ine-expect. Natawa naman ang kakambal niya na si Cassy Legaspi sa mabilis na sagot ni Mavy na, “yes, of course,” kung enjoy ba itong ka-trabaho ang nali-link na Kapuso star sa kanya na si Kyline Alcantara.
Sabi pa ni Mavy, “Siyempre, I’ve known Kyline for the longest time. It’s funny how my Dad worked with Ky in ‘Bilangin Mo Ang Bituin Sa Langit’ so ako naman and it’s a great experience.
“Kyline is Kyline no matter what and the greatest part is I got to see her acting side at saka, napaka-professional din.”
At dahil first teleserye nga ni Mavy ang “I left my Heart…” natutulungan din daw siya ni Kyline.
“Gina-guide niya rin ako but of course, not much. Kasi, I have to learn on my own also. Siyempre, ‘yung craft ko, akin lang ‘yun.”
Napasigaw pa ito na, “woooh!!” nang sabihin na sobrang fun at sobrang ganda rin daw ng mga scenes nila na magkasama since lahat daw yata ng emosyon, naipakita nila.
“It’s been very fun,” sabi niya.
Si Mavy, kasabay ang kanyang kakambal na si Cassy ay muli ngang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center at sa pagpapatuloy nila bilang isang Kapuso.
(ROSE GARCIA)
-
PNP: Back-riding posibleng ibalik para sa lahat ng motorista
Posibleng ibalik muli ang back-riding para sa lahat ng motorista ng motorcycles at hindi na lamang para sa mga mag-asawa at live-in couples habang ang Philippine National Police (PNP) ay humihingi ng pasensiya sa mga ibang motorcycle riders. Ayon kay PNP deputy chief ng operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar na simula lamang ito ng […]
-
Time out muna sa pagtulong kay Dingdong: BENJIE, magtuturo sa aspiring basketball players sa Cebu
TIYAK na mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ni Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong araw, August 5 para sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’ Time out nga muna si Otep (Benjie) sa pagtulong kay Napoy (Dingdong Dantes) resolbahin ang pagkamatay ni Don Gustavo (Tirso Cruz III) sa ‘Royal […]
-
Pres. Duterte ipinagdasal ang bansa sa nararanasan COVID-19 crisis
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdarasal para sa paggaling ng bansa laban sa COVID-19. Sa kaniyang mensahe sa interfaith prayer meeting na inorganisa ng Office of the Presidential Adviser for Religiuos Affairs (OPARA) at ilang religious groups nanawagan ang pangulo sa mga Filipino na magdasal para gumaling. Nanawagan ito sa […]