• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA awards isasabay sa Season 47 opening

MULING  isasabay ng Philippine Basketball Asso­ciation (PBA) ang pagdara­os ng Season 46 Awards Night sa pagbubukas ng Season 47 sa Hunyo 5 sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Unang ginawa ito ng PBA noong Marso 8, 2020 kung saan hinirang si June Mar Fajardo ng San Miguel bilang MVP sa ikaanim na pagkakataon kasunod ang mga laro ng Season 45 sa Big Dome.

 

 

“It was a great gathering in a great evening enjoyed by everybody, especially the fans,” ani PBA Commissioner Willie Marcial

 

 

Matagumpay na na­i­ra­os ng liga ang katatapos na Governors’ Cup na pinagharian ng Barangay Ginera laban sa Meralco.

 

 

Nagkampe­on ang TNT Tropang Giga sa Philippine Cup kontra sa Magnolia sa semi-bubble sa Bacolor, Pampanga.

 

 

“For this one, it would al­so be a celebration of sorts dahil muli nating kasama ang mga fans sa opening ce­remony pagkatapos na ma-miss natin sila sa pa­na­hon ng pandemya,” ani Marcial.

 

 

Automatic MVP con­ten­ders na sina Scottie Thompson ng Ginebra at Cal­vin Abueva ng Mag­nolia matapos silang hirangin bilang mga Best Player of the Conference winners sa Season 46.

 

 

Nakamit ni Thompson ang BPC sa PBA Governors’ Cup at nakuha ito ni Abueva sa Philippine Cup.

 

 

Ang iba pang ibibigay ay ang Mythical Selections, Rookie of the Year, Most Im­proved Player, Sports­man­ship Award at Best De­fensive Selection.

Other News
  • 3 dalaga nalambat sa P1.1 milyon shabu sa Navotas

    UMABOT sa mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong dalaga na umano’y sangkot sa illegal na droga matapos malambat sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Kyla Marie Legaspi, […]

  • Higit 1,300 trainees, nagtapos sa libreng skills training sa Caloocan

    UMABOT sa 1337 trainees ang nakapagtapos sa libreng livelihood training course ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng pagsisikap ng Public Employment Service Office (PESO) at Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC).     Ang proyekto ay nagsisilbing isa sa maraming mga programa na nilalayong tulungan ang mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng […]

  • TikTok user na nagbantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos, sumuko sa NBI

    KINUMPIRMA ngayon ng Department of Justice (DoJ) na sumuko kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng TikTok account kung saan inupload ang video na nagbabantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos.     Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, boluntaryo umanong sumuko kahapon ang subject sa NBI.     Sa ngayon, hindi […]