• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA bubble amenities kumpleto sa libangan

TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9.

 

“Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang screen para makanood sa gabi. May bilyaran at table tennis.”

 

Asinta ng unang Asia’s play- for-pay hoop na matapos ang all-Pinoy conference ng Disyembre 9 o 11, dalawang buwan tatagal sa bubble ang players na aabot ng finals. Ang mga maagang masisibak pagkatapos ng 11- game eliminations at sa bawat yugto ng playoffs ay puwede nang lumabas.

 

“It’s all about the wellness of the players. Imagine two months ka doon doing nothing,” dugtong ni chairman Victorico Vargas ng Talk ‘ N Text. Hindi na pababalikin ng bubble ang lalabas ng lugar.

 

“Hiling ng players kung p’wede raw tig-isa silang k’warto,” wakas na na sambit ni Marcial. “Pero hindi talaga kakayanin, kaya sharing sila tigalawa sa isang kuwarto.” (REC)

Other News
  • Lalaki pinagbabaril sa Malabon, dedbol

    TODAS ang 40-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.     Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Ruel”, residente ng C, Perez St. Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala sa ulo habang mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong Sanciangco St. sa […]

  • ‘Conscience vote’ sa divorce bill lalarga sa Senado

    SINIGURO ni Senate President Chiz Escudero na paiiralin sa Senado ang “conscience vote” pagdating sa pagboto sa panukalang diborsyo sa Pilipinas.       Ayon kay Escudero, ang magiging posisyon ng Senado sa divorce bill ay conscience at personal vote at ibabatay sa kung ano ang kanya-kanyang paniniwala at relihiyon ng bawat senador.     […]

  • 50K pupil sa Grade 1-3 sa NCR, hirap magbasa- DepEd

    AABOT sa 50,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 3 sa National Capital Region (NCR ) ang hirap makabasa, base sa isang assessment na isinagawa ng Department of Education sa rehiyon.     Base sa survey na iprinisinta kahapon ng DepEd-NCR, sa higit 384,000 learners mula Grade 1 hanggang 3 na dumaan sa comprehensive rapid literacy […]