PBA bubble gagawin sa Clark, Pampanga simula sa Oct. 9
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
Nagdesisyon na rin ang Philippine Basketball Association (PBA) na gagawin nila ang kanilang sariling bersiyon ng bubble sa Clark, Pampanga.
Ang pagbuhay sa mga laro ng PBA ay sisimulan sa pamamagitan ng All-Filipino Cup sa October 9.
Gayunman mag-aantay pa ang PBA sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung aaprubahan ang kanilang mga protocols kung ligtas ang mga players sa pagkalat ng coronavirus.
Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas pinili nila ang Clark dahil sa kompleto ang pasilidad.
Paliwanag pa ni Vargas, ang lahat ng team ay mananatili umano sa Quest Hotel habang ang mga games naman ay gagawin sa Angeles University Foundation na 10 minuto lamang ang layo sa hotel accomodation.
“We’re ready and we’re excited,” ani Vargas.
Ang naturang mga venue ay ginamit na rin noong taon sa SEA Games.
Ang bawat PBA team ay kailangan meron lamang eksklusibong mga bus.
Batay pa sa plano ng PBA, kada araw daw ay merong dalawang games kung saan ang uusad na apat na mga teams ay merong twice-to-beat advantage.
Ang semifinals ay magiging best-of-5 series, samantalang ang finals naman ay best-of-7 series.
Kung sakaling magsimula na ang mga PBA games tatagal ang mga players sa loob ng Clark City na walang aalis dahil sa may mahigpit na patakaran sa protocols tulad sa konsepto sa NBA bubble na ginaganap sa Disney World campus sa Florida.
-
PEKENG FB ACCOUNT NG FB, BINALAAN
NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko kaugnay sa pekeng Facebook page ng ahensya na nag-aalok ng serbisyo ng ahensya. Sa abiso ng NBI, ang “NBI ONLINE APPOINTMENT 2021” ay hindi official facebook page ng NBI- Information and Communications technology Division (NBI-ICTC) o anumang konektadong division o ng NBI. Ayon pa […]
-
Uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino, prayoridad na mabigyan ng Covid- 19 vaccine
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino ang prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine. “Ang mauuna ‘yung mga taong nasa listahan ng mga gobyerno na tumatanggap ng Pantawid. Ito ‘yung mga mahirap,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address. Ang mahirap na pamilyang […]
-
Libreng sakay sa rail lines sa mga may bakuna
Binalita ng Department of Transportation (DOTr) na may libreng sakay ang mga fully vaccinated na sasakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2), at Philippine National Railways (PNR). “The DOTR is offering the free rides beginning August 3 until August 20,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade. […]