• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA bubble gagawin sa Clark, Pampanga simula sa Oct. 9

Nagdesisyon na rin ang Philippine Basketball Association (PBA) na gagawin nila ang kanilang sariling bersiyon ng bubble sa Clark, Pampanga.

 

Ang pagbuhay sa mga laro ng PBA ay sisimulan sa pamamagitan ng All-Filipino Cup sa October 9.

 

Gayunman mag-aantay pa ang PBA sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung aaprubahan ang kanilang mga protocols kung ligtas ang mga players sa pagkalat ng coronavirus.

 

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas pinili nila ang Clark dahil sa kompleto ang pasilidad.

 

Paliwanag pa ni Vargas, ang lahat ng team ay mananatili umano sa Quest Hotel habang ang mga games naman ay gagawin sa Angeles University Foundation na 10 minuto lamang ang layo sa hotel accomodation.

 

“We’re ready and we’re excited,” ani Vargas.

 

Ang naturang mga venue ay ginamit na rin noong taon sa SEA Games.

 

Ang bawat PBA team ay kailangan meron lamang eksklusibong mga bus.

 

Batay pa sa plano ng PBA, kada araw daw ay merong dalawang games kung saan ang uusad na apat na mga teams ay merong twice-to-beat advantage.

 

Ang semifinals ay magiging best-of-5 series, samantalang ang finals naman ay best-of-7 series.

 

Kung sakaling magsimula na ang mga PBA games tatagal ang mga players sa loob ng Clark City na walang aalis dahil sa may mahigpit na patakaran sa protocols tulad sa konsepto sa NBA bubble na ginaganap sa Disney World campus sa Florida.

Other News
  • ‘Poblacion girl’ hindi idedeklarang persona non grata ng Makati City – Mayor Binay

    Tumanggi ang Makati City na ideklarang persona non grata si Gwyneth Anne Chua, ang Pilipinang tumakas sa kanyang quarantine at nakahawa sa marami sa kanyang mga nakahalubilo.     Sa halip ay hinimok ni Mayor Abby Binay ang mga business establishments at mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na ireklamo si Chua matapos itong tumakas […]

  • UAE, KASAMA SA BANSANG NA-DETECT NA UK VARIANT

    ISASAMA ang United Arab Emirates (UAE) ng Department of Health (DOH) sa  talaan ng may na-detect na UK variant. Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, na kanila nang irerekomenda sa Office of the President . Aniya, tiyak naman na ito ay aaprubahan ng pangulo kung saan ngayon pa lamang ay isinasama na sa bagong protocol […]

  • Online classes sa Valenzuela kanselado ‘pag may bagyo

    KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa Panuntunan sa Suspensyon ng Klase sa Panahon ng Distance Learning ng Pamahalaang Lungsod.   Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa pre- school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga […]