PBA bubble nilindol
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG nai-report na mga nasaktan at kasiraan sa lindol Sabado ng gabi sa Philippine Basketball Association (PBA) bubble sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.
Ipinahayag kahapon ni ni PBA Commissioner Wilfrido Marcial na nakumpirma lang niya ang lindol sa mga tumawag na nagtanong sa kanya at may ilang players din sa tinutuluyan ng pro league na Quest Hotel ang ‘di namalayan ang sakuna dahil sa maagang pagtulog dulot ng pagod sa mga ensayo.
“Earthquake in the bubble. Bubbly earthquake,” tweet ni Rain or Shine wingman Kris Rosales na nakadama ng pagkabahala at gising pang maganap ang insidente.
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) na 4.7 magnitude at ang epicenter nito sa Camiling at Tarlac City. Nag-bubble ang propesyonal para sa restart ng 45 th season nitong Philippine Cup 2020 elimination round sa darating na Linggo, Oktubre 11. (REC)
-
‘Black Adam’ Images Give New Look At The Rock’s DC Anti-Hero & JSA
NEW Black Adam images provide fresh looks at Dwayne Johnson’s anti-hero and the Justice Society of America members in the DC Extended Universe movie. Serving as a spinoff of 2019’s Shazam!, the upcoming DCEU film will tell an origin story for Black Adam, once a slave from Kahndaq who is granted powers by the […]
-
40 misa, idinaos para sa ’40 days’ ni P-Noy kasabay ng 12th death anniv ni Cory
Matagumpay na naidaos ngayong unang araw ng Agosto ang 40 misa nationwide para sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino. Bukas, August 2 pa ang mismong “40th day” ni P-Noy pero una nang inihayag ng pinsan nitong si dating Sen. “Bam” Aquino na isasabay ito sa pag-alala naman sa ika-12 […]
-
Ads June 27, 2022