PBA, DODOBLEHIN ANG MGA LARONG GAGAWING SA KANILANG MULING PAGBABALIK
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA agad na apat na laro ang Philippine Basketball Association (PBA) sa araw ng Martes, Nobyembre 3.
Kasunod ito sa pagpayag ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na ituloy na ang mga laro matapos na wala ng lumabas na positibo sa coronavirus.
Sa pinakahuling COVID-19 testing ay nagnegatibo lahat ng mga manlalaro at coaching staff ng 12 koponan na nasa bubble sa Angeles City, Pampanga.
Magsisimula ang laro ng 10 ng umag sa pagharap ng San Miguel Beermen kontra Blackwater na susundan ng Terrafirma laban sa Phoenix ng 1 ng hapon na susundan ng alas-4 ng hapon sa laban ng NorthPort at TNT Tropang Giga at haharapin ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra dakong 6:45 ng gabi.
Sa kabuuan ay mayroong apat na laro na isasagawa hanggan sa pagtatapos ng eliminations sa Nobyembre 11.
Tiniyak ng PBA na mas paiigtingin nila ang ipinapatupad na protocols at Mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa IATF at National Task Force.
Magugunitang nitong Biyernes ay kinansela ang mga laro matapos na magpositibo ang ilang manlalaro at referee habang nasa bubble game.
-
Derek, nag-react sa basher
PINAG-USAPAN ng netizens ang ‘walang malisya’ post ni Ruffa Gutierrez ng mga photos na magkasama sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. As usual, super react na naman ang netizens, may nakipagpustahan pa ng for sure, magkakatuluyan ang dalawa. May nag-connect naman sa kanilang tatlo kay John Lloyd Cruz at isinabit na lang si […]
-
Mga trabahong inalok sa nationwide job fair ngayong araw sa Araw ng Kalayaan, halos nasa 150-K na – DOLE
PUMALO sa halos 150,000 na local at overseas na mga trabaho ang inalok sa idinaos na nationwide job fairs kahapon, June 12, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasuim sa Malolos City. Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan sa Pilipinas. Batay sa pinakahuling ulat […]
-
Lakers pinaburan na manalo sa game 3 West Conference semis kontra Rockets
Nagiging paboritong manalo ng maraming basketball analyst ang Los Angeles Lakers sa game 3 Western Conference semifinals nila ng Houston Rockets. Ito ay matapos na agad na nakapag-adjust ang Lakers sa Rockets noong Game 2. Napag-aralan umano ng Lakers ang laro ng Rockets noong sila ay natalo sa Game 1. […]