• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA, dodoblehin ang mga larong gagawing sa kanilang muling pagbabalik

MAGSASAGAWA agad na apat na laro ang Philippine Basketball Association (PBA) sa araw ng Martes, Nobyembre 3.

 

Kasunod ito sa pagpayag ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na ituloy na ang mga laro matapos na wala ng lumabas na positibo sa coronavirus.

 

Sa pinakahuling COVID-19 testing ay nagnegatibo lahat ng mga manlalaro at coaching staff ng 12 koponan na nasa bubble sa Angeles City, Pampanga.

 

Magsisimula ang laro ng 10 ng umag sa pagharap ng San Miguel Beermen kontra Blackwater na susundan ng Terrafirma laban sa Phoenix ng 1 ng hapon na susundan ng alas-4 ng hapon sa laban ng NorthPort at TNT Tropang Giga at haharapin ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra dakong 6:45 ng gabi.

 

Sa kabuuan ay mayroong apat na laro na isasagawa hanggan sa pagtatapos ng eliminations sa Nobyembre 11.

 

Tiniyak ng PBA na mas paiigtingin nila ang ipinapatupad na protocols at Mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa IATF at National Task Force.

 

Magugunitang nitong Biyernes ay kinansela ang mga laro matapos na magpositibo ang ilang manlalaro at referee habang nasa bubble game.

Other News
  • Pangarap ni EJ Obiena na magkaroon ng sariling pole vault facility natupad na

    MASAYANG ibinahagi ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena na ang pangarap niya ay malapit ng matupad.     Sinabi nito na sa darating na Nobyembre 22 ay bubuksan na ang kaniyang bagong pole vault facility.     Matatagpuan ito sa Marcos Stadium sa lungsod ng Laog, Ilocos Norte.     Dagdag pa ng 28-anyos na […]

  • Ads March 1, 2021

  • 4 na ang patay, 1 sugatan sa pagbagsak ng Huey chopper ng PAF sa Cauayan City

    CAUAYAN CITY – Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng isang helikopter ng Philippine Air Force (PAF) kagabi.   Apat na ang patay, isa ang malubhang nasugatan sa pagbagsak ng Huey helicopter habang palipad kagabi upang magsagawa ng night vision proficiency training.   Unang lumabas sa […]