• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA, dodoblehin ang mga larong gagawing sa kanilang muling pagbabalik

MAGSASAGAWA agad na apat na laro ang Philippine Basketball Association (PBA) sa araw ng Martes, Nobyembre 3.

 

Kasunod ito sa pagpayag ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na ituloy na ang mga laro matapos na wala ng lumabas na positibo sa coronavirus.

 

Sa pinakahuling COVID-19 testing ay nagnegatibo lahat ng mga manlalaro at coaching staff ng 12 koponan na nasa bubble sa Angeles City, Pampanga.

 

Magsisimula ang laro ng 10 ng umag sa pagharap ng San Miguel Beermen kontra Blackwater na susundan ng Terrafirma laban sa Phoenix ng 1 ng hapon na susundan ng alas-4 ng hapon sa laban ng NorthPort at TNT Tropang Giga at haharapin ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra dakong 6:45 ng gabi.

 

Sa kabuuan ay mayroong apat na laro na isasagawa hanggan sa pagtatapos ng eliminations sa Nobyembre 11.

 

Tiniyak ng PBA na mas paiigtingin nila ang ipinapatupad na protocols at Mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa IATF at National Task Force.

 

Magugunitang nitong Biyernes ay kinansela ang mga laro matapos na magpositibo ang ilang manlalaro at referee habang nasa bubble game.

Other News
  • Diaz alerto habang palapit Summer Olympics Games

    HINDI maiwasan ni 31st Summer Olympic Games 2016 Rio de Janeiro women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ang tumingin lagi sa countdown ng 32nd Summer Olympic Games 2020 na iniurong lang sa darating na Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan sanhi ng pandemya.     “Closer and closer! Just 150 days to go to @Tokyo2020,” […]

  • NCR at Laguna ilalagay sa MECQ simula Agosto 21-31

    Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglalagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region at Laguna simula Agosto 21 hanggang Agosto 31 habang ang Bataan ay nasa MECQ din mula Agosto 23-31.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa rin pinapayagan ang mga indoor at al-fresco dine-in […]

  • FIRE PROTECTION AGENT AT 2 BABAE, TIMBOG SA P253K SHABU

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang fire protection agent ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Reya Remodaro, 24, (Pusher Listed top 4), sales lady, […]