• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA finals apektado ng sunog sa Big Dome

IMBES na sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum ay sa ibang venue lalaruin ang Game Six ng PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco.

 

 

Ito ay matapos pasukin ang venue ng makapal at mabahong usok mula sa sunog sa isang construction site na katabi ng Big Dome kahapon ng umaga.

 

 

Dahil sa insidente ay inilipat ng PBA Commissioner’s Office ang nasabing bakbakan ng Gin Kings at Bolts bukas sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

“Ayaw nating ipagsapalaran ang kaligtasan ng mga fans, ng mga players at mga game staff. Better safe than sorry,” sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial.

 

 

Halos ala-1:10 na ng hapon naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasabing sunog, subalit nanatili pa rin ang usok sa loob ng venue.

 

 

Posibleng umabot sa 20,000 ang bilang ng mga fans na gustong sumaksi sa inaasahang pagkopo ng Gin Kings sa korona mula sa hawak na 3-2 lead sa kanilang best-of-seven title series ng Bolts.

 

 

Umabot sa 18,251 live audience ang nanood sa 115-110 paggiba ng Ginebra sa Meralco sa Game Five noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Samantala, makukuha ng mga ticket holders ang kanilang refund sa Big Dome ticketing office.

 

 

Hindi rin tinapos ng liga ang knockout stage ng PBA 3×3 Second Confe­rence Grand Finals.

 

 

“For now suspended muna iyong Grand Finals natin because of what happened until further notice,” ani tournament director Joey Guanio.

 

 

“We’ll reschedule it for everybody to be prepared also.” Nasa quarterfinals na ang First Conference champions Limitless App, TNT Tropang Giga, Meralco at San Miguel na sasamahan ng apat pang koponan.

Other News
  • 1 RIDER, PATAY, 2 SUGATAN SA SALPUKAN

    NASAWI ang isang rider habang sugatan ang dalawa pang back rider  nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa  Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.     Sa ulat mula sa MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang nasawi  na si Orlie Magtibay y Villanueva, rider ng Honda click na my plakang 7330 IW .     Sugatan naman […]

  • SUSPEK TODAS SA GULPI NG GRUPO NG BYSTANDER SA CALOOCAN

    PATAY ang isang hindi pa kilalang lalaki na bumaril sa isang tricycle driver matapos pagtulungan kuyugin ng grupo ng bystander sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni PCpl Mark Julius Pajaron kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, habang naglalaro ng table pool games sa P. Halili Street, Barangay 128 […]

  • Pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Sabado, Hulyo 9, regular holiday

    OPISYAL na idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa ang araw ng Sabado, Hulyo 9, 2022 bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).     Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice  ay isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam.     Sa bisa ng Republic Act No. 9849, ang tenth day […]