PBA governors’ cup dedesisyunan sa susunod na linggo
- Published on January 20, 2022
- by @peoplesbalita
MALALAMAN sa susunod na linggo ang desisyon ng PBA Board para sa natenggang 2021-2022 Governors’ Cup sa gitna ng paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa dahil sa Omicron variant.
Nagpasya ang PBA Board na suspindehin ang mga laro ng nasabing import-reinforced conference nang sumirit ang mga COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) at mga karatig probinsya.
“Madedesisyunan na iyan next week. Nagpatawag na ng board meeting si Chairman (Ricky Vargas),” wika kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA).
“By next week malalaman na kung itutuloy o hindi, ano ba ang balak, hihintayin ba nating bumaba (ang COVID-19 cases),” dagdag nito.
Inihayag ng liga ang pansamantalang pagpapaliban sa mga laro ng Governors’ Cup pati ang mga team scrimmages noong Enero 6 nang sumipa ang mga COVID-19 cases sanhi ng Omicron variant.
-
Halos 50 unutilized Dalian train, isiniwalat ng COA
ISINIWALAT ng Commission on Audit ang Department of Transportation para sa 48 hindi nagamit nitong Dalian train na binili walong taon na ang nakalilipas para sa MRT-3. Isinaad ng mga auditor ng gobyerno sa 2022 audit report sa DOTr na ang mga tren na nananatiling hindi operational ay bahagi ng P3.7 billion na […]
-
Queen of Pop Madonna Regrets Turning Down A Role In ‘The Matrix’ And Catwoman In ‘Batman Returns’
THE Queen of Pop regrets saying no to a role in The Matrix, though she didn’t specify which role. Madonna revealed the news on NBC’s The Tonight Show to host Jimmy Fallon. “I turned down the role in The Matrix, can you believe that?” she said to Fallon. “I wanted to kill myself. That’s […]
-
MARAMING MGA TANONG at HAKA-HAKA ang TAUMBYAN TUNGKOL sa mga PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVIC)!
NAKARATING sa LAWYERS COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP) ang ilan sa mga ito at gusto natin i-post dito ang mga damdamin at saloobin ng tao tungkol dito, dahil kailangan malaman ng taumbayan kung ano ba talaga itong PMVIC na ito: Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para raw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag-aralan […]