PBA ikinalungkot ang muling pagkakasangkot sa gulo ni Amores
- Published on September 28, 2024
- by @peoplesbalita
Hindi maitago ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kalungkutan sa pagkakasangkot sa barilan ni NorthPort guard John Amores sa Lumban, Laguna.
Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi na sila magbibigay ng anumang komento dahil ipapaubaya na lamang nila sa mga kapulisan.
Tikom din ang bibig ni Marcial kung mayroong silang ipapataw na kaparusahan kay Amores o tuluyan ng sibakin sa PBA.
Nahaharap kasi sa kasong attempted murder si Amores dahil sa pamamaril sa isang Lee Cacalda matapos na makaalitan nito sa larong basketball sa Barangay Maylatang Uno, Lumban, Laguna.
Nitong Huwebes ng umaga ng sumuko si Amroes kasama ang 20-anyos na kapatid nito na nakitang nagmamaneho ng motorsiklo.
Bagamat walang nasaktan sa insidente ay desidido ang biktima na kasuhan ng tuluyan si Amores.
Si Amores na dating manlalaro ng Jose Rizal University at siya pinatawan ng ban ng NCAA matapos na suntukin ang apat na manlalaro ng De La Salle-Colleg of St. Benilde noong 2022.
Bagama’t sa nasabing insidente ay kinuha siya ng NorthPort Batang Pier sa fifth round ng 2023 PBA Rookie Draft.
-
Higit 19K bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH
NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 19,262 bagong kaso ng COVID-19 nitong Agosto 22-28. Batay sa National COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, mayroong average na 2,752 kaso na naitatala kada araw sa nakalipas na linggo. Mas mababa na ito ng 19% kumpara sa mga kasong naitala mula Agosto 15-21. […]
-
Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing
IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday. Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang […]
-
Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill
IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso. “When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is […]