PBA kumikilos na para masimulan ang season
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
Desidido ang Philippine Basketball Association (PBA) management na masimulan na ang PBA Season 46 Philippine Cup sa third week ng Hulyo.
Kaya naman nakikipagtulungan na ito sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maplantsa ang lahat ng kakailanganin sa season opening.
Nakipagkita ulit si PBA commissioner Willie Marcial kay MMDA chairman Benhur Abalos dahil nais ni Marcial na maging kaakibat ng liga ang MMDA sa pagpapatupad ng mga patakaran at guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Nagbigay ng pangako si Abalos na tutulong ito upang masimulan ang season ng liga ngunit kailangan lang aniyang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng taong gagalaw sa pagbubukas ng liga.
“Basketball is the Filipinos’ national pastime. But there is no denying that the PBA is struggling now because of the pandemic. We have to ensure the safety of everyone, not only the players, but the general viewing public. We cannot compromise the health and well-being of all,” ani Abalos.
Sanay na ang PBA sa pagpapatupad nito dahil dumaan na ito sa bubble setup noong nakaraang taon sa Clark, Pampanga para matagumpay na matapos ang Season 45 Philippine Cup.
May ilang pagbabago lamang sa taong ito dahil target ng PBA na ganapin ang season sa isang semi-bubble setup kumpara sa full bubble na ginamit noong nakaraang taon.
Sa semi-bubble, home-venue-home ang magiging galawan ng mga players, coaches, staff at officials.
Target gamitin ang Ynares Center sa Antipolo City at Ynares Sports Center sa Pasig City na venue ng mga laro.
-
COVID-19 tumaas ng 36 percent – DOH
PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,821 bagong kaso mula Disyembre 5 hanggang 11. Ito ay mas mataas ng 36 percent kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4. Sa national COVID-18 case bulletin, nasa […]
-
Ace & Batman Meet in New ‘DC League of Super-Pets’ Trailer Kevin Hart’s ‘Ace’ the Hound meets the ‘Batman’, voiced by Keanu Reeves
BATMAN works alone, or does he? Find out in the new trailer of Warner Bros. Pictures’ DC League of Super-Pets which has just been launched by the studio. Dwayne Johnson stars as the voice of Krypto the Super-Dog in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film DC League of Super-Pets, from director […]
-
Phil. Taekwondo Association pinayuhan mga members na pagtuunan pa rin ang pag-eensayo
Pinayuhan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang mga national players na pagtuunan ng pansin ang pagsasanay kaysa makibahagi sa virtual training seminar. Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson, nakarating sa kaalaman ng kanilang local taekwondo grand master Sung Chon Hong na inuuna pa ng ilang mga taekwondo athletes ang pagtuturo online. Ibinunyag […]