PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.
Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny Abarrientos.
Una nang nagdeklara ng suporta kay Robredo sina Guiao at dating national team head coach Chot Reyes.
Sa video, sinabi ng mga dating PBA superstar na si Robredo ang nararapat maging susunod na lider ng bansa, batay sa kanyang katangian at track record bilang lingkod-bayan.
“Sa basketball, hindi pwedeng pa-absent-absent kapag may training or laban. Dapat laging present. You show up in the most difficult times,” ani Racela, na ngayo’y head coach ng FEU at assistant coach ng Barangay Ginebra.
“Sa basketball, hindi ka pwedeng sumuko. Laban lang ng laban, kahit na pinipilit kang i-foul out ng kalaban,” ani Abarrientos, na assistant coach ng Tamaraws at Magnolia.
“Kaya ako, bilib na bilib sa lider na taglay ang katangiang ito,” ani Lastimosa, na isa sa mga assistant coach ni Guiao sa NLEX.
Sa pangunguna ni Robredo, naniniwala sila na gaganda ang buhay ng mga Pilipino.
-
Electronic version ng driver’s license, nakatakdang ilunsad ng LTO
NAKATAKDANG maglunsad ang Land Transportation Office (LTO) ng electronic version ng driver’s license bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nito tungo sa digitalisasyon ng lahat ng kanilang mga serbisyo. Ayon kay LTO chief JayArt Tugade, magsisilbi ang digital license bilang isang alternatibo sa physical driver’s license card sa pakikipagtulungan sa Department of Information […]
-
Kinalimutan na at masaya namang nakatulong: ARCI, inaming may artistang nangutang at ‘di nagbayad
SI Arci Muñoz ang kinuhang celebrity endorser ng JuanHand, isang kumpanya na nagpapautang sa mga nangangailangan. Kaya naikuwento niya ang tungkol sa karanasan niya ng pagpapautang na hindi na siya binayaran. Ang natatawang lahad niya, “Ang problem sa akin when people nangungutang sila, I don’t know how to make singil. “Hindi ko […]
-
Pope Francis nanawagan ng ceasefire sa nangyayaring gyera sa Hamas-Israel
MULING nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na wakasan na ang labanan ng Hamas-Israel, hinihimok ng Santo Papa na palayain na ang mga hostage at payagan na ang huminatarian aid para sa Gaza. Ayon kay Pope Francis matapos ang traditional Angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Rome, patuloy niyang iniisip ang seryosong sitwasyon ngayon […]