• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA may banta sa mga player

Binantaan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga manlalaro na sikretong nakikipag-usap at nakikipagnegosasyon sa mga foreign clubs matapos ang balitang maraming manlalaro ang target kuhanin ng Japanese B.League squads bilang Asian import.

 

Kahapon, pinaalalahanan ni Commissioner Willie Marcial ang mga player kaugnay na kanilang live contracts sa kani-kanilang mga PBA ballclub kaya hindi sila dapat nakikipagnegosasyon sa mga foreign team.

 

Binalaan din ni Marcial ang mga player sa pagpasok nito sa sikretong negosasyon sa kahit anong Japanese club lalo pa at nakakontrata pa sila sa kanilang mother team.

 

Pero sinabi ni Marcial na ang mga manlalarong may expired na kontrata ay pwedeng pumasok sa B.League at ibang pang liga sa Asya basta may consent ng kanilang mother teams at PBA board.

 

“Expired ka na, ayaw mo na sa team mo, mag-paalam ka sa team mo tapos pag-uusapan namin sa board kung okay,” ani Marcial.

 

Ayon kay Marcial, sa ganitong kaso, titimbangin ng board kung dapat pa bang panatiliin ng mother team ang karapatan sa manlalaro sakaling i-release ito at  ng manlalaro na  maglaro sa ibang PBA team o sa liga abroad.

 

Ayon sa ulat, isa ang Japanese league na potensiyal destinasyon ng mga Filipino players kungsaan may salary na aabot sa 16.1 million yen o P7.4 million para sa 2018-19 season.

 

Mula nang pumirma sa Japanese league si amateur Thirdy Ravena,  napabalitang sinimulan na rin ng Japanese league ang paghahanap ng Asian imports at isa ang mga  PBA player sa kanilang tinatarget.

 

Ayon sa ulat,  maging ang suspendidong Phoenix forward na si Calvin Abueva ay tinatarget ng Japanese league.

 

Isiniwalat ni Marcial na wala pa silang nababalitaan o natatanggap na opisyal report mula sa offer kay Abueva o kahit sinong PBA player o maging sa offer na ibinigay kay Terrence Romeo ng San Miguel Beer.

 

Matatandaang nag-post si Abueva sa kanyang Instagram account ng offer sa kanya ng mga interested na foreign B.League team.

 

Pero sinabi ni Phoenix coach Louie Alas na ayon kay  Abueva ay mas gusto nitong maglaro sa PBA.

 

Inamin din ni  Raymond Almazan ng Meralco  na tumanggap siya ng direktang mensahe kay Japanese American-Japanese guard Samuel Sawaji ng Tokyo Cinq Rêves noong isang buwan pero magalang umano niya itong tinanggihan.

Other News
  • Single ticketing system sa NCR, sisimulan na sa Abril

    INAASAHANG  masisi­mulan na sa buwan ng Abril ang implementasyon ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR). Mismong si San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng Metro Manila Council (MMC), ang nag-anunsiyo ng naturang development matapos ang pulong na idinaos ng council. Nabatid na inaprubahan na rin naman ng MMC […]

  • Gadon, nanumpa sa bagong posisyon sa harap ni PBBM

    OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon, araw ng Lunes, Hulyo 10.     Kumpiyansa ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Gadon para tugunan ang kahirapan sa bansa.     Sa kabila ng tinanggalan ng Korte Suprema ng lisensiya bilang abogado si Gadon […]

  • 2020-2021 season ng MPBL tuluyan ng kinansela

    Kakulangan sa oras at kaligtasan ng mga manlalaro ang tanging dahilan kaya nagpasya ang Maharlik Pilipinas Basketball League (MPBL) na kanselahin na lamang ang kanilang 2020-2021 season.   Sinabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, na kinuha nila ang suhestiyon ng maraming manlalaro at karamihan sa kanila ang nagsabi na hanggang walang bakuna laban sa coronavirus […]