• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA nakaabang sa listahan ng SBP

Hinihintay na lamang ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang listahan ng mga players na iimbitahan para sa FIBA Asia Cup Qualifiers third window sa Pebrero.

 

 

Pinag-aaralan pa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) coaching staff sa pangunguna ni program director Tab Baldwin kung sino ang mga nais nitong isama sa Gilas Pilipinas pool.

 

 

Ang mga mapipiling players ay ipapasok sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para paghandaan ang third window.

 

 

Kaya naman gusto na ni PBA commissioner Willie Marcial na mailabas agad ang listahan  para maabisuhan ang mga PBA players na isasama sa pool.

 

 

“Hinihintay lang namin ‘yun. Sabi namin, ibigay kaagad sa amin kung sino mga kailangan para makausap namin ‘yung mga players. Kasi lahat nasa bakasyon,” ani Marcial sa programang Power and Play.

 

 

Target ng SBP na bumuo ng solidong lineup sa third window dahil matin­ding laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas.

 

 

Sasagupain ng Pinoy squad ang Asian power South Korea habang isang beses naman ang Indonesia na magpaparada ng naturalized player at Indonesian-American cager.

 

 

Bukod sa pagpili ng mga players, inaasikaso rin ng SBP ang hosting ng third window kung saan nakikipag-ugnayan na ito sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Kasama ng SBP ang PBA sa pagtataguyod ng bubble sa Clark, Pampanga na parehong venue na pinagdausan ng matagumpay ng PBA Season 45 Philippine Cup restart.

Mas mahigpit na health protocols ang ipatutupad sa Clark bubble upang masiguro na ligtas ang lahat lalo pa’t may mas matinding strain na ang coronavirus disease (COVID-19).

Other News
  • Deuteronomy 31:8

    The Lord will never leave you or forsake you.

  • COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research

    BAHAGYANG  bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.     Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.     Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat […]

  • Pacquiao babalikan si Spence

    Ayaw tantanan ni eight-division world champion Manny Pacquiao si reig­ning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.     Desidido ang Pinoy champion na muling maikasa ang isang blockbuster fight laban kay Spence sa oras na gumaling na ito sa kanyang eye injury.     “I have no […]