• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA nakaabang sa listahan ng SBP

Hinihintay na lamang ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang listahan ng mga players na iimbitahan para sa FIBA Asia Cup Qualifiers third window sa Pebrero.

 

 

Pinag-aaralan pa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) coaching staff sa pangunguna ni program director Tab Baldwin kung sino ang mga nais nitong isama sa Gilas Pilipinas pool.

 

 

Ang mga mapipiling players ay ipapasok sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para paghandaan ang third window.

 

 

Kaya naman gusto na ni PBA commissioner Willie Marcial na mailabas agad ang listahan  para maabisuhan ang mga PBA players na isasama sa pool.

 

 

“Hinihintay lang namin ‘yun. Sabi namin, ibigay kaagad sa amin kung sino mga kailangan para makausap namin ‘yung mga players. Kasi lahat nasa bakasyon,” ani Marcial sa programang Power and Play.

 

 

Target ng SBP na bumuo ng solidong lineup sa third window dahil matin­ding laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas.

 

 

Sasagupain ng Pinoy squad ang Asian power South Korea habang isang beses naman ang Indonesia na magpaparada ng naturalized player at Indonesian-American cager.

 

 

Bukod sa pagpili ng mga players, inaasikaso rin ng SBP ang hosting ng third window kung saan nakikipag-ugnayan na ito sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Kasama ng SBP ang PBA sa pagtataguyod ng bubble sa Clark, Pampanga na parehong venue na pinagdausan ng matagumpay ng PBA Season 45 Philippine Cup restart.

Mas mahigpit na health protocols ang ipatutupad sa Clark bubble upang masiguro na ligtas ang lahat lalo pa’t may mas matinding strain na ang coronavirus disease (COVID-19).

Other News
  • TANYA, laking gulat nang mag-positive ang buong pamilya kahit maingat at halos mapraning sa COVID-19 virus

    MAINGAT at praning ang actress na si Tanya Garcia dahil aminado itong sobrang takot na makakuha ng COVID-19 virus, kaya gano’n na lang talaga ang gulat niya nang silang buong pamilya ay maging positibo rito.     Last week of March daw nang malaman nila na positive silang lahat. Siya, ang mister na si Mark […]

  • Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries

    Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa isinagawang profiling ng mga otoridad sa mga nagtatag ng community pantries.     Ayon kay Bishop Pabillo ipinakikita ng pamahalaan ang kawalang pagmamalasakit sa mamamayan dahil hinahadlangan ang pamamaraan ng mga tao na matulungan ang bawat isa.     Ayon sa Obispo, dapat suportahan […]

  • GET YOUR TICKETS NOW TO “SHAZAM! FURY OF THE GODS”

    A little over a week before “Shazam! Fury of the Gods” thunders into Philippine cinemas on March 15, fans and moviegoers may get advance tickets now to the DC superhero film and be one of the first in the world to see it.     For details, go to the official ticketing site at http://shazamfuryofthegods.com.ph   […]