PBA training simula na!
- Published on May 18, 2021
- by @peoplesbalita
Umarangkada na ang pagbabalik-ensayo ng PBA teams bilang paghahanda sa PBA Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Hunyo 15.
Nanguna ang Meralco Bolts sa mga maagang nakapagsimula matapos makumpleto ang lahat ng requirements kabilang na ang importanteng swab test.
Tumulak kahapon ang buong delegasyon ng Bolts sa Laoag, Ilocos Norte para simulan ang 10-day training camp nito.
Nagsasanay ang Meralco sa Laoag Centennial Arena na madalas na ginagamit ng PBA sa mga all-star activities nito.
Magsisilbing tahanan ng delegasyon ang pamosong Fort Ilocandia Resort and Hotel.
Nagsasanay ang Meralco sa Laoag Centennial Arena na madalas na ginagamit ng PBA sa mga all-star activities nito.
Magsisilbing tahanan ng delegasyon ang pamosong Fort Ilocandia Resort and Hotel.
“Our goal is to lead the way and show how sports and safety can go hand in hand. Back to basketball together, leading the way together, staying safe together,” nakapost sa social media account ng Meralco Bolts.
Matapos ang 10-day camp sa Laoag, target ng Bolts na lumipat sa Meralco gym sa Ortigas,
Kaya naman sumulat na ang Meralco management sa lokal na pamahalaan ng Pasig para pahintulutan ang training nito sa naturang venue.
Pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makapag-ensayo ang PBA teams sa GCQ at MGCQ areas.
Ibinalik na sa GCQ ang NCR plus bubble kaya’t maaari nang makapag-ensayo ang mga PBA teams dito.
Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na kailangan lamang ng approval ng local government unit kasama ang pagsunod sa JAO ng GAB, PSC at DOH para masimulan ang ensayo.
Sa kabilang banda, napaulat na nakakuha na ng clearance ang Rain or Shine Elasto Painters at NorthPort Batang Pier sa local government units (LGU) ng Mandaluyong at Cainta.
Sasalang sa ensayo ang Elasto Painters sa Reyes Gym sa Mandaluyong habang sa King’s Landing Gym sa Cainta naman ang Batang Pier.
Karamihan sa mga PBA teams ay tutuloy sa nauna nang planong training camp sa Batangas City kung saan idaraos ang closed-circuit training sa Batangas City Coliseum, Batangas State University Gym at Lyceum of the Philippines University Batangas Gym.
-
Kaabang-abang ang pagkanta nilang tatlo: GABBY, kinumpirma na maggi-guest si KC sa concert nila ni SHARON
KAPUSO Primetime Queen is back with a Tik’Tok dance cover, at suot niya ang paborito niyang signature streetwear with matching cap. Minsan pa ay ipinakita muli ni Marian ang smooth at effortless dance moves niya tungkol sa latest single ng BTS na “3D (featuring Jack Harlow).” Caption ni Marian sa kanyang Instagram” “Obsession […]
-
6 robbery gang members napatay sa engkwentro vs PNP sa Rizal province
Patay ang anim na miyembro ng isang notorious holdup robbery group sa engkwentro laban sa mga pulis kaninang madaling araw sa may Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal. Ayon kay Col. Joey Arandia, hepe ng Antipolo City, sangkot ang mga suspek sa robbery hold up at carnapping sa CALABRZON, Metro Manila […]
-
Higit 2.4 milyon pasahero dadagsa sa PITX sa Undas
NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa inaasahang higit sa 2.4 milyong pasahero na dadagsa sa terminal simula sa Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5, kaugnay sa paggunita sa All Saints Day at All Souls Day. Pinakamaraming pasahero ang inaasahan sa mga petsang Oktubre 30 at 31 sa aabot sa […]