PBA website na-hack din
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
PINAKABAGONG na-hack ang Philippine Basketball Association (PBA) website na pba.ph makaraan ang ilan sa mga site ng pamahalaan kamakalawa o nitong Linggo.
Sinamsam ng pakialamerong grupong nagpakilalang Phantom Troupe ang mga ang mga personal na impormasyon ng mga basketball player at manager.
Ipinahayag ng mga hacker na nahirapan silang pasukin ang online ng propesyonal na liga dahil may nakakabit na pangontra sa hack, hindi katulad ng mga nasa gobyerno madali nilang nalooban dahil walang panlaban sa hackers
“I want to give some credit sa IT (information technology) ng PBA website. May in-apply silang pang counter sa hacker,” pahayag pa ng Phantom Troupe. “Pero still, nalusutan pa rin po naman kahit medyo nahirapan kami.”
Dinale ng mga hacker ang usernames, passwords, emails, cellphone numbers, addresses, social media accounts at iba pang mga detalye maaring magamit sa mas mataas na uri ng krimen.
Sinusubukan ng tropa ang kahinaan ng mga site at pinapasilip sa IT administration ang mga kakulangan pa sa kanilang mga system kaya hindi dapat pa mag-relaks at sa halip mag-level up pa. (REC)
-
2 BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA MALABON
DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuan matapos lumutang sa magkahiwalay na lugar sa Malabon city. Ayon kay Malabon Police chief P/Col. Albert Barot, dakong ala-6 ng umaga nang makita ng ilang nagja-joging ang bangkay ni Ernesto Francisco Jr, 29 ng 27 Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, […]
-
Local response laban sa Covid-19 dahil sa Omicron variant, pinaigting
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na pinalalakas at pinaiigting na ng gobyerno ang local response laban sa Covid-19 makaraang ideklarang variant of concern ang Omicron variant. Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay kautusan sa mga local government unit o LGU’s na […]
-
Ads May 19, 2021